| Register
Peeping Toms

BLIND ITEM: Young actor is gay?

Filed under: Uncategorized — admin at 3:35 am on Sunday, July 14, 2013

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

 

Si Young Actor, na nakitaan ng galing sa pag-arte sa ilang proyekto niya, ay kauri pala nina Eric at Vincent ng My Husband’s Lover.

Kung titignan mo siya, hindi mo aakalaing ang karelasyon niya ay isang male model.

Sa katunayan, may picture pa ang dalawa sa Facebook.

And one time daw na may LQ sila, ibinaling ni Young Actor ang kanyang atensiyon sa isang Host na isa ring gay.

Pero hindi raw pinansin ni Host si Young Actor.

Sino si YA? Basta may kapangalan siya sa showbiz! Yun lang.

BLIND ITEM: Together na sila? Paano si asawa?

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 1:21 pm on Thursday, June 13, 2013

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

Ayan, marami ang nangamote sa previous blind item. Ang hirap, di ba?

Pero sadya yun, kasi hindi pa ever nababalita ang may relasyon umano ang dalawa.

Basta ang masasabi lang ni peeping tom, tisay si GIRL… at may kaugnayan ito sa ACTOR na siyang susunod na topic ni peeping tom.

Sa isang birthday party, nakita si ACTOR at isang non-showbiz girl na magkasama. Matagal nang bulung-bulungan na sa showbiz ang

relasyon ng dalawa kaya kung sweet-sweetan man sila nun, wa na care si peeping tom, as long as masaya sila, di ba.

Ang tanong, kelan kaya aamin sina GIRL at ACTOR na hiwalay na sila at may kanya-kanya nang buhay?

Yun lang!

BLIND ITEM: MU o Mag-un?

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 6:53 pm on Thursday, May 23, 2013

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

Si GUY, mukhang older women na ang gusto.

Ang huling kuwento ng isang peeping tom sa amin, si MESTIZA ACTRESS naman daw ang kanyang girlfriend ngayon.

Kaso, ang alam ng madlang people, kasal pa si MESTIZA ACTRESS kay ACTOR/ SINGER. Yun pala, matagal na silang hiwalay.

Unlike the previous relationship of GUY, mas low-key itong ke MESTIZA. That’s it!

BLIND ITEM: Let’s get physical?

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 1:08 am on Wednesday, May 1, 2013

Text and Illustration: Rommel Llanes

AKTOR, binato ng flower vase si AKTRES!

Ito ay bahagi ng eksena ng dalawang stars ng teleserye last week.

Ang siste, tinamaan at nagkapasa sa binti si AKTRES.

Kaya nang malaman ng BOYFRIEND ni AKTRES ang nangyari, sumugod ito sa set at hinamon si AKTOR.

Galit si BOYFRIEND, habang dedma si AKTOR.

Tuloy, dedmahan na sina AKTOR at AKTRES ngayon.

Ang sabi ni peeping tom, may attitude problem daw talaga si AKTOR.

Bukod sa hindi ito nag-sorry, madalas daw itong late sa taping ng 3 to 4 hours.

Gusto niyo ng clues?

When A Man “Leaves” A Woman (Part 2)

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 3:05 pm on Monday, April 22, 2013

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

Noong April 16, young pair ang sinabi nating hiwalay na raw.

Ngayon naman, dating high-profile couple pag-uusapan natin.

Medyo sensitibo ang ilang impormasyon na ipinaabot ng peeping tom kaya kokontihan natin ang clues.

Info # 1: Sobra raw talaga ang topak ni WIFEY.

Info # 2: Kahit pa may mga taong nag-a-advise sa couple, parang was epek na raw kay WIFEY.

Kaya, ang huling balita ni peeping tom: Back to parents’ house si HUBBY.

Bumalik na kaya siya bahay nila ni WIFEY?

That’s it, pansit.

When a man “leaves” a woman (part 1)

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 6:45 pm on Tuesday, April 16, 2013

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

Hiwalayan season ba?

Sa buwang ito kasi, not just one but two ang napabalitang naghiwalay na sa showbiz.

Isa na rito ang young couple na ilang beses na ring napabalitang naghiwalay na.

Ang cute pa man din nila together, kahit pa, ayaw ni GUY na pag-usapan ang kanyang lovelife.

This time, mukhang it’s over na raw talaga.

Nag-alsa-balutan nga itong si GUY at umalis sa bahay ng pamilya ni GIRL kung saan sila nakatira.

Ano ang rason?

Dinig ni peeping tom, “Nagbago daw si GUY.”

How sad kung totoo :-(

The Family Man

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 1:03 pm on Friday, April 12, 2013

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

Noong Holy Week, nakita ng mga peeping toms si FAMILY MAN kasama ang buong pamilya.

May isang beses din na nakita siyang nasa pool area ng isang kilalang hotel sa nasabing isla.

At sa nasabing hotel, doon din nakita si GIRLALOO, na na-link kay FAMILY MAN, kasama ang isang bata at isang baby. Yun na!!!

Akin iyan!!!

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 9:37 pm on Wednesday, February 27, 2013

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

Imbiyerna si ACTRESS 1.

Paano kasi, nawawala ang kanyang belt ‘tapos, nakita niya na suot ito ni ACTRESS 2.

Nang kausapin ni ACTRESS 1 si ACTRESS 2 tungkol dito, sinabi ng huli na sa kanya raw ang belt.

At kahit pa may naka-engrave na initials ni ACTRESS 1 sa belt, pinanindigan ni ACTRESS 2, “Akin iyan!”

Want clue? Si ACTRESS 1 ay kapatid ng isang Kapamilya host… Yun na!!!

Lipatan Blues?

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 11:30 am on Friday, February 8, 2013

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Yas Salanga

Isang grupo ng peeping toms ang nakapagkuwento sa PEP na tatlong major stars daw ng isang network ang posibleng lumipat.

Una, totoo bang pipirma na si SINGER sa istasyon ng taong malapit sa kanya? “Sure” daw ito sabi ni Source 1, pero siyempre, hangga’t wala pang kumpirmasyon mula kay SINGER, hindi natin masasabing sure na sure!

Pangalawa, si ACTOR ay nag-iisip nang mangibang-bakod. Pero ang sabi ng ilang peeping toms, sana huwag na lang kasi mas secured ang future niya sa kanyang istasyon ngayon.

Lastly, gaano katotoo na hindi ire-renew ng kanyang istasyon ang kontrata ni STAR? Kung nagkataon, lilipat talaga siya ng network. Abangan!

Bida, nasaan ka?

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 10:35 am on Wednesday, January 30, 2013

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

Si PERSONALITY, kakasa na ang kanyang bagong show. Sa wakas!

Kasi, matagal bago natuloy ang first taping day. Paano,  laging wala ang bida!

Ayon kay peeping tom, ayaw mag-taping.

Wala namang sinasabing dahilan. Ayaw lang niya.

Kunsabagay, hindi naman niya kelangang magtrabaho kung tutuusin.

Dahil si PERSONALITY ay rich!

« Previous PageNext Page »