| Register
Peeping Toms

Selosong Papa

Filed under: Uncategorized — admin at 10:05 pm on Friday, June 15, 2007

Text by Alex Datu

Isang producer ng provincial shows ang dalang-dala na sa isang female singer dahil sa dalawang beses niya itong kinuha para sa show, pero hindi ito tumupad sa usapan.

 

Ang unang show ay ginanap sa isang sikat na hotel-resort sa bandang north. Puno ang venue dahil kilala ang singer. Maliban sa may sikat itong mga kanta ay madalas din itong napapanood sa TV dahil mayroon siyang ini-endorse na beauty product.

 

Ang usapan ay mag-i-stay muna ang female singer after her spot para makipagtsikahan sa mga nanood at mag-autograph-signing at picture-taking. Pero nagulat ang producer ng show dahil biglang nawala ang female singer just to find out na nakaalis na ito pabalik ng Manila.

 

Sinundo pala ang female singer ng mga tauhan ng kanyang “papa” na isang TV host. Sosyal ang female singer dahil sa helicopter pa siya nakasakay, huh!

 

Ayaw na sanang kunin ulit ng producer ang female singer. Kaya lang, siya ang hiling ng kausap nitong kandidato. Kaya naman kahit napilitan ang producer ay na-book nito ulit ang female singer at nagkasundo uli sila na kailangang makipagtsikahan muna ito sa mga tao doon, lalo na sa kandidatong humiling sa kanya. Sa madaling salita, pinalakpakan ang performance ng singer at halatang nakursunadahan ng kandidato na very eligible.

 

Nagpaalam ang singer na magpa-powder muna raw at magbibihis dahil pawisan siya. Pero namuti ang mga mata ng mga naghihintay sa kanya dahil hindi na siya bumalik. Kaya naman pala, ipinasundo siya ulit ng TV host.

 

Seloso raw talaga ang “papa” ng female singer, na ang balita ay malakas ang konek sa gobyerno. May balita ring kahit mga gigs ng female singer ay pinapahinto ng TV host dahil ayaw nitong may nagnanasa sa kanyang iba. Dumating pa nga sa puntong pinahihinto na nito sa pagkanta ang kanyang lady love dahil kaya raw naman daw buhayin ng TV host ang female singer like a princess. Kaya lang, wala itong magawa dahil ito ang passion ng female singer.

No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register