| Register
Peeping Toms

What’s audition?

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 6:06 pm on Monday, May 28, 2012

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Patrick Azucena

Alam niyo ba na maraming inimbitahang mag-audition para sa role nina Lam-Ang at Saridandan?

Isang Kapamilya actor ang dumating mismo sa audition. Pero ni hindi siya nasilayan ng mga producers at director dahil hindi ito bumaba mula sa kanyang van.

Ayon sa peeping tom, ang gusto ni aktor na itatago natin sa pangalang Agila ay siya na ang gaganap sa title role.

Ang ending: kay Rocco Nacino napunta ang role.

Samantala, isang Kapuso actress naman ang inimbitahan na mag-audition para sa role na napunta kay Rochelle Pangilinan.

Pero ang hirit daw ni aktres na itatago natin sa pangalang Gi, “See my profile na lang.”

Ayon sa peeping tom, hindi raw kasi ito sanay na mag-audition. Yun na!

No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register