| Register
Peeping Toms

“Play duh” star

Filed under: Blind Item — admin at 4:01 pm on Friday, December 11, 2009

Text: Trish Alvarez, Illustration: Rommel Llanes, Colors: Mark Pimentel

Isang peeping tom ang nagbulong sa amin tungkol sa nasaksihan niya sa loob ng Philippine Airlines, flight PR 105, noong ika-11 ng Nobyembre.

Hindi naman daw ito isang iskandalo, pero maaaring sabihing pruweba na hindi lahat ng artista ay makakakuha ng star treatment.

Heto ang nangyari:

Namataan daw sa business class section ang isang star, na itatago natin sa pangalang Smarte. Sa seat 2A daw ito nakaupo, katabi ang isang matandang babae.

Pero nung nag-usisa raw ang mga flight attendants, humirit daw si Smarte ng something like, “Ahhh,what’s boarding pass ba? Alin? Di ko knows, e.” At ganun din daw ang linya ni lola.

peeping-toms2.jpg

Pero noong tignan ang manifest, dapat ay bakante raw ang 2C. At si lola ay dapat nasa  42G, sa Economy class.

What’s the ending? Pinalipat ang lola ni Smarte.

Ang nasabing eksena ay nasaksihan din ng isang Kapuso broadcaster. Gusto niyo pa ng clue? Bisitahin ang PODCAST dahil tatlo roon ay kapareho ni Smarte ng TV network. Yun na!

3 Comments »

Comment by pepper_roz

December 12, 2009 @ 8:45 am

ruffa mae

Comment by masabaw_gyud_uy

December 14, 2009 @ 5:28 pm

angel locsin.

mali naman ang pag-kakwento. hindi niya lola
ang kasama niya. nanay niya ang kasama niya
mukha nga lang lola ang nanay niya.

ito talaga..nag-blind item pa mali-mali pa.

sure answer: angel laoscin.

Comment by satsatera

December 15, 2009 @ 9:58 am

sharon c

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register