| Register
Peeping Toms

“Am I Talking To You?”

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 7:49 pm on Friday, January 13, 2012

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Yas Salanga

Isang alingasngas ang kumakalat ngayon sa showbiz.

Tungkol ito sa alitan na diumano ay nangyari sa pagitan ng dalawang magkatrabaho sa telebisyon.

Itago na lamang natin sila sa pangalang Divina at Apollo.

Sa isang Christmas party, isinama ni Apolloang kanyang girlfriend na babansagan nating Katy.

Habang nagkukuwento si Divina, bigla na lang sumabad si Katy.

Ayon sa nakalap na kuwento ng isang peeping tom, tila hindi raw ito nagustuhan ni Divina¬† at humirit siya ng, “Am I talking to you?”

Sinagot naman siya ni Katy na buti naman daw ay nakakapag-Ingles ito kahit isang sentence.

Nung nalaman ni Apollo ang nangyari, nag-apologize raw ito kay Divina. Binanggit nito na hindi raw siya kilala ni Katy kaya nangyari iyon.

Pero imbes na magkaayos sila noong araw na iyon, mas lumala ang usapan.

Ang sabi ng isa pang peeping tom, naalala din daw kasi ni Divina ang mga atraso ni Apollo sa set, kabilang na ang pagiging late.

Sa ngayon, bati na sila.

Hello, Kapatid!

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 12:26 pm on Tuesday, January 10, 2012

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Yas Salanga

Noong nakaraang linggo, nakita ng ating peeping  tom ang isang poging aktor sa bakuran ng TV5.

Aniya pa, nagkaroon daw ito ng “closed door” meeting kasama ang mga executives ng naturang network.

Sino siya?