| Register
Peeping Toms

Goodbye, star!

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 3:48 pm on Friday, December 16, 2011

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Yas Salanga

Sa susunod na taon, goodbye na ang network sa isang star na itatago natin sa pangalang Marilyn.

Paano na ang reunion movie niya with Actor?

Lilipat ba siya sa TV5?

Yun na!

Ay, Sirena?!!

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 6:53 pm on Thursday, December 8, 2011

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Yas Salanga

Sa isang sosyal na restaurant, dinig na dinig ng ating Peeping Tom ang isang showbiz-connected woman na namumrublema sa isang kamag-anak na kabe-break lang sa boyfriend.

“Ewan ko ba dito. Ang daming isda sa dagat, sirena pa ang nabingwit!” sabi ng showbiz-connected woman.

Nagtataka lang at nasurpresa ang ating Peeping Tom na sa estado ng showbiz-connected woman, wala siyang keber na magsalita sa malakas na boses.

As in, naririnig talaga ng kalapit na table lang ang mga pinagsasasabi niya.

Dagdag pa ng showbiz-connected woman sa nauna nitong sinabi, na animo kausap ang kamag-anak: “If I were you, transfer to a different channel na.”