Blogs
Sorry!!!
Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel
Pagkatapos ng halos isang taon, ayon sa isang peeping tom, nag-”Sorry” na sa wakas si TV star kay TV personality.
Noong simula ay dinenay ng una ang ugnayan nito sa boyfriend ng huli.
Ngunit nang lumaon, lumabas din ang katotohanan.
May kanya-kanya nang buhay ang mga taong sangkot sa isyu, subalit natuwa na rin kahit papa’no si TV personality sa admission ni TV star.
Sikat Magnet!
Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Edward Pimentel
‘Etong si TV personality, lapitin ng mga sikat!
Akalain ba namang nali-link siya ngayon sa dalawang pulitiko at isang hinahangaang star.
Sa telebisyon, napaka-amo ng mukha nito, kaya ayon sa peeping tom, ay bentang-benta sa tatlo!




