| Register
Peeping Toms

Kill me!

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 3:55 pm on Thursday, July 21, 2011

Old story na ito kung tutuusin.

Pero recently lang kasi sinabi ng isang peeping tom ang totoong dahilan sa pagkawala ng isang AKTOR mula sa isang TV series.

Masasabing hindi raw okay nung panahon na iyon si AKTOR, kaya hirap na hirap siya na i-deliver ang kanyang linya.

Kasama sa isang eksena si LEAD ACTRESS, naka-ilang takes ang dalawa dahil tila hindi raw nakapag-memorize si AKTOR.

Naimbiyerna si LEAD ACTRESS kaya nag-walk out dito, sabay-sabing, “Tawagin niyo na lang ako pag okay na ito.”

Nainsulto at napahiya si AKTOR, na kilala sa industriya ang pamilya. Kaya hiningi nityo sa management na, “Pataying niyo na lang ako.”

True enough, bigla na lang naglaho ang karakter ni AKTOR sa series na dati’y sumikat nang husto.

Gaysha?????????

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 5:59 pm on Friday, July 1, 2011

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Sa isang bar sa Makati, nagtaka si peeping tom dahil pagpaso nito sa Men’s Room, may apat na bouncers sa loob, kasama ang isang lalaking kumakatok sa isang cubicle.

Maya-maya, lumabas ang isang gay mula sa cubicle.

At pagkalipas ng ilang minuto, isa pang lalaki na naka-hoodie ang lumabas mula sa parehong cubicle.

Gaya ni peeping tom, naghugas din ng kamay ang lalaki.

Pero nung nagtanggal ito ng hoodie, na-shock si peeping tom!

Sa isip-isip niya, “Si HUNK ACTOR, GAYSHA?????”

Wala sa hinagap niya na ganun nga si HUNK ACTOR kaya nung narinig niyang nagsalita ito sa bouncers ng, “Sorry, Sir. Di namin alam bawal,” abot hanggang sky ang shock niya.

Sino sha?????

Tanungin niyo na lang ang dalawang noontime TV hosts dahil nandun din sila. Better yet, tumingin-tingin kayo sa daan. Yun na!