| Register
Peeping Toms

Relationship Status: Pasikreto

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 2:57 pm on Friday, June 24, 2011

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Na-link ang mga pangalan nilang dalawa dati. Pero walang nangyaring kumpirmasyon lalo pa’t may sabit ang isa.

Kamakailan, isang peeping tom ang nagsabing, “Sila talaga.”

Pero dahil sa kanilang sitwasyon, mananatiling secret lovers muna sila.

The Confrontation

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 2:38 pm on Friday, June 10, 2011

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Dalawang young stars ang nagkaroon ng The Confrontation.

Imbiyerna na raw kasi si Young Star 1, na papangalanan nating Victoria, kay Young Star 2, na babansagan naman nating Vilma.

Paano kasi, itong si Vilma raw ay parating inaasar si Victoria.

Isang araw, hindi na nakapagtimpi ang huli kaya kinumpronta nito ang una.

Mistulang linya raw sa isang serye ang mga binitawang salita ni Victoria.

Ayon kay peeping tom, kung hindi raw titigil ang una, ipagkakalat nito ang mga pinaggagagawa ni Vilma.

Tatlo yun, pero sobrang giveaway yung isa kaya dalawa lang ang babanggitin dito.

Una, nagpatihulog daw ito sa hagdan para pansinin ng dating dyowa.

Pangalawa, naglalagay daw ito ng unan sa p*w*t para maging matambok ito.

Sa pangalawa, nag-react si Vilma. “Huwag naman,” ang nasambit nito.

Sino sila?

Eeeww!

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 10:27 pm on Thursday, June 2, 2011

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel
Title: Eeeww!

Napag-usapan ni MALE STAR at ni FEMALE HOST ang misis ng una. Nanatili kasing slim si misis kahit pa ilang beses nang nanganak ito. Ang sambit ni FEMALE HOST, bagay nga raw itong mag-pole dancing. Subalit ang reaksiyon ni MALE STAR, “Eeeww!”

Bakit ganoon?
Mukha namang okay na ang married life nina MALE STAR AT MISIS, pero bakit napa-Eeeww! Ito sinabi ni FEMALE HOST?