| Register
Peeping Toms

Preggy again

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 1:16 pm on Monday, February 21, 2011

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Hindi siya gaanong visible sa TV, pero sa mga showbiz events, madalas siyang magpunta.

Separated si dating aktres, na itatago natin sa pangalang Rose, kaya ang madalas niyang kasama ay mga kaibigan na nakatrabaho niya dati sa isang defunct youth-oriented variety show.

Nitong mga nakaraang buwan, bigla siyang nawala sa sirkulasyon. Bakit? Nanganak si Rose.

Nagulat ang peeping tom na nagkuwento, pero mas nagulat daw ang family ng dating aktres.

CLUE: Isa siya sa may pinakamagandang mukha sa showbiz.

La Traidora?

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 1:25 pm on Monday, February 14, 2011

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Sa huling blog entry ni Giselle Sanchez (CLICK HERE), may blind item doon tungkol sa isang ex-wife ng politician, na inaway ang dating niyang bestfriend, na isang sikat na celebrity, sa Facebook.

Kung anu-ano ang posts ni ex-wife—na kesyo traydor daw si bestfriend, hindi totoong kaibigan, at iba pa. Ano ba ang ginawa ni bestfriend?

Bago siya pag-isipan ng masama, lilinawin natin: Hindi siya ang current squeeze ni politician.

Pero, bakit galit si ex-wife sa kanya?

Ayon kay bestfriend, kinakausap daw niya kasi ang bagong girlaloo ni politician.

Want a clue? Huwag na, she’s a Queen, e!

Kupad Queen

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 1:01 pm on Friday, February 4, 2011

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Isang TV personality ang puwedeng bansagan na “Kupad Queen.”

Ayon sa peeping tom, mabagal daw ito sa halos lahat ng bagay.

Sa pagsasalita, malamya. Parang hindi niya kaagad ma-process kung ano ang sasabihin niya.

Sa pagkilos, makupad. Kahit binigyan ito ng call time, dalawang oras kung maligo. At siya yung tipong hindi mamadaliin ang make-up artist kahit male-late na siya.

Sa pag-ibig, may pagka-slow din. Say ni peeping tom, delayed reaction siya sa impact ng kanyang recent breakup. Tipong after three months at saka nag-sink in ang mga katagang, “Its over!” Yun na!