| Register
Peeping Toms

Special customer daw, o!

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 12:57 pm on Friday, December 10, 2010

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Isang eksena sa isang bangko sa may Tiendesitas ang nasaksihan ng isang PEPster.

Mahaba raw ang pila at maraming tao, pero mapapansin mo pa rin ang ganda ni STAR, na itatago natin sa pangalang Iza.

Kasama ni Iza ang kanyang boyfriend, na babansagan nating Igi.

Ang kaso, medyo na-turn off ang ilang nandoon. Halatang inip na kasi si Iza na nakatayo at naghihitay.

Nag-dialogue pa raw ito ng something like, “Wala bang para sa special customers,” habang si Igi ay cool lang na nakapila.

Yun lang…