| Register
Peeping Toms

Why not me????

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 8:35 pm on Thursday, October 28, 2010

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Animo’y perpekto ang mga artista sa tuwing humaharap sila sa publiko.

Gaya ng isang star, na isa sa mga masasabing kinaiinggitan dahil sa damiĀ  ng kanyang projects na hindi bababa sa umaabot hanggang “10 million pesos” ang bawat isa.

Bukod pa rito, maganda rin siya, mabait, at mahal ng kanyang mga fans.

Subalit, ayon kay peeping tom, noong minsang ito ay nalasing, naglabas daw si STAR ng kanyang hinanakit at kabiguan sa pag-ibig.

Hindi lang iyon, inisa-isa niya raw ang kanyang projects pati talent fee, at sa pagitan ng kanyang pag-iyak, “Ano bang meron siya na wala ako?”

Tsk. Sana okay na siya.

“PakStar”

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 9:00 pm on Monday, October 11, 2010

Text: Trisha Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Sino ba itong STAR na tila wala sa kanyang puso ang ongoing project?

Ito ay chinika ni peeping tom na chinika rin daw sa kanya ng ilang katrabaho ni STAR.

Minsan daw, hindi ito nakarating sa taping. Ang rason: rumaket daw!

Hindi naman sinasabing siya ng dahilan pero sooner or later, pak ap na for good ang project ni STAR.

Sana nga lang, huwag din ma-pak ap agad ang kanyang career.

Bukod kasi sa ganitong chika, may nakapagsabi na rin na bongga at sobra umano ang demands ng entourage ni STAR.

Tuloy, turn off ang ibang producers.

Tsk. Tsk. Galing-galing pa naman…

“National Figure”

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 9:12 pm on Sunday, October 3, 2010

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Itatago natin sa pangalang Maria ang ating subject, na naging parte ng isang kontrobersiya kamakailan lang.

Ayon sa isang peeping tom, nang tanungin daw si Maria kung bakit lumaki nang ganun ang isyu, ang hirit daw nito ay “national figure” daw kasi siya, kaya natural, magtatanong ang press sa kanya.

Ang siste, si Maria ay isang dating sikat na personality…Yun lang!