| Register
Peeping Toms

Mr. Yumabang

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 12:39 pm on Monday, July 26, 2010

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Nitong nakaraang araw, may nakapagbanggit lang sa amin na medyo nagbago na raw si young actor, na itatago natin sa pangalang William.

Singtaas na raw ng building ang tingin sa sarili, pero hanggang bangko pa lang naman ang naabot nito.

Sa isang fashion show nga, nabanggit ng isang peeping tom na nagpasabi raw ito sa organizers na hindi siya lalabas kung hindi siya ilalagay sa opening. Natural, hindi siya pinagbigyan.

Mabuti naman…Kasi nung siya naman ang rumampa, parang toda lang ng traysikel ang sumigaw para sa kanya.

Tsk, tsk. Ang ibang tao talaga, o, hindi kayang i-handle ang fame. Sana hindi tuluyang lumaki ang ulo niya…Baka hindi siya ma-handle ng madlang people.

Para sa karagdagang clue, bisitahin ang PODCAST dahil karamihan doon ay kasama niyang rumampa. Yun na!

Maling akala

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 4:28 pm on Tuesday, July 13, 2010

Text: Trisha Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Edward Pimentel

Aakalain mo, bossy si misis, na itatago natin sa pangalang Elizabeth

Aakalain mo, tahimik si mister, na tatawagin nating Michael.

Yun pala, baligtad: ang nagger daw sa dalawa ay si lalaki.

Kahit pagod at nagsabi ng “Not now, I am tired” si Elizabeth, tuloy pa rin daw ang satsat ni Michael.

Kahit pa nasa isang shop sila, tuloy pa rin daw ang dakdak ni lalaki.

Ayun, nag-walk out si Diana nang umiiyak.

At ang masaklap? Si friend, na may-ari ng shop, ang sumunod. Hindi raw si Michael???

Kaya, ang nangyari…hulaan niyo na lang!

More clues? Bisitahin ang PODCAST (CLICK HERE), dalawa dun ay may kaugnayan kay Elizabeth. Now na!!!

Goodbye, Wife. Hello, Love?

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 4:47 pm on Tuesday, July 6, 2010

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Matagal nang sinasabi nitong si star, na itatago natin sa code name na Miss Malabon, na magpapakasal na sila ng kanyang boyfriend.

Walang sumiseryoso sa kanyang sinasabi dahil tila imbento. Paano kasi, parang hindi umuusad sa next level ang kanyang love life.

Kahit pa matagal nang hiwalay sa asawa ang kanyang boyfriend, na itatago natin sa pangalang Mr. China.

Gusto mo ng clue, bisitahin ang PODCAST, isa dun ay may kaugnayan kay Miss Malabon. Now na!!!

Tears of what?

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 1:30 am on Friday, July 2, 2010

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Sad. Ang saya-saya ng araw pero may-i-cry daw si STAR.

Cry. Hindi raw kasi napagbigyan ang wish ni STAR .

Wish. Sana maging happy na siya ulit.