Peeping Toms

Nakapagtataka…

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 1:16 pm on Monday, June 21, 2010

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Bago mag-eleksiyon, nakita ng isang peeping tom ang isang aktor, na itatago natin sa code name na DP, sa isang resort sa Pampanga.

Ayon sa mga taong napagtanungan, may kikitain daw si DP na isang politiko. Pero ang nakapagtataka, ibang kandidato naman ang iniindorso ni DP. At ang lalong nakapagtataka, bakit pinadiretso ito sa silid ng politiko pagdating niya?

Yun na!

“Boracay thingy”

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 8:54 pm on Monday, June 7, 2010

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Sino kaya itong aktor na inaya ang isang non-showbiz girl na lumabas noong kasagsagan ng breakup nito sa isang aktres?

Sa isang kilalang isla daw nagkakilala ang dalawa, at kahit pa nakabalik na sila sa Manila ay nagkita pa raw ulit dahil, say ni aktor, ayaw daw niya sa “Boracay thingy.”

Nawindang si peeping tom kasi, kung makasalita si aktor, parang si secured sa relationship nila si aktres. Yun pala…

Hindi nga lang sigurado kung patuloy pa ring nagkikita si aktor at si non-showbiz girl hanggang ngayon.

Gusto niyo ng clue? Sige, bisitahin ang PODCAST dahil tatlo dun ay nakakasalamuha nina aktor at aktres.