| Register
Peeping Toms

The Offer

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 12:17 pm on Monday, April 19, 2010

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Heto ang naging usok dati: Tatlong showbiz personalities ang nakakuha ng magandang offer mula sa isang TV network.

Subalit noong nagtanung-tanong ang isang bosing kung may katotohanan ba ang usok, it turned out, wala naman daw talagang apoy.

Ibig sabihin, as far as the investigation of the bosing is concerned, isinulat sa hangin ang nasabing offer. Yun na!

Mr. Ungrateful

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 4:29 pm on Monday, April 5, 2010

Text: Trisha Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Medyo imbiyerna raw ang isang kilalang pangalan sa showbiz sa isang tao, na tatawagin nating Big Fish.

Paano kasi, nung nagkasakit daw ito, hindi siya nasiyahan sa ibinigay ni Big Fish. Barya lang daw ito kung ikukumpara sa mga natanggap niya sa iba.

Pero yung ibang tao ay imbiyerna hindi kay Big Fish. Hindi sila agree sa reklamo ng taong ito na kilala nga sa showbiz. Kaya ngayon, tinatawag siyang Mr. Ungrateful.

Hello, sa hirap ng buhay ngayon, magpasalamat na lang sa grasya.

Gusto mo ng clue? Bisitahin ang PODCAST, isa sa mga nandoon ay may konek kay Mr. Ungrateful, yun na!