Peeping Toms

Hilong-talilong

Filed under: Blind Item — PipsM0d at 7:31 pm on Wednesday, March 24, 2010

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Hilong-talilong si star, na itatago natin sa pangalang Jessica.

Ayon sa isang peeping tom:

Nahihilo siya sa itinatakbo ng career niya. Parang barko na lulubog-lilitaw.

Nahihilo siya sa palakad ng tumatayong “talent manager” niya. Parang nakasulat sa tubig ang lahat ng pinagkakaabalahan niya.

Kamakailan, nagpaalam na raw ito sa isang bosing, na gulat na gulat sa mga narinig!

Tinawagan ni bosing si “talent manager.” Pero ang ginawa raw ng huli ay pinatawagan si Jessica sa isang miyembro ng staff.

Sa sobrang frustration daw ni Jessica ay may mga nasabi na rin ito sa talent manager. In short, strained na ang work relationship.

May offer ang kabilang istasyon kay Jessica.

Noong nagpaalam ito ay na-disappoint siya sa reaksiyon ni “talent manager.” Parang dedma lang kasi.

Kung hindi pa nakialam ang isa pang bosing, pakiramdam ni Jessica ay magsasawalang-kibo si “talent manager,” na sinasabing dahilan umano kung bakit may mga talents na gustong lumipat sa ibang bakuran.

Sa ngayon, hilong-talilong pa rin siya.

Nahihilo siya kung saan siya pupunta. Parang sasakyan na walang manibela.

Tila naiipit daw ito sa dati niyang tahanan kaya hindi siya tuluyang makapag-goodbye!

Gusto niyo ng clue? Bisitahin ang PODCAST. Isa dun ay nakapareha ni Jessica sa isang project. Yun na!

Lakwatsera

Filed under: Blind Item — admin at 7:07 pm on Monday, March 8, 2010

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Usap-usapan sa ilang grupo ng mga managers at producers ang inaasal ng isang direktor.

Imbes na pelikula ng atupagin, tila mas busy pa ito sa pagpa-party.

Imbes na “lights, camera…” ang linya, nagiging “let’s party!!!”

Heto nga’t may dapat itong asikasuhin sa current project niya, pero may I fly si director with another male celebrity para maglamyerda.

Nakukuwestiyon tuloy ang kanyang professionalism. Say ng isang boss, “Feeling yata niya, mahaba ang buhok niya.”

Gusto mo ng clue, bisitahin ang PODCAST, yun na!