| Register
Peeping Toms

StarStruck Sidelights

Filed under: Blind Item — admin at 8:21 pm on Wednesday, February 24, 2010

Sa katatapos lamang na Finals Night ng StarStruck V sa Araneta Coliseum, ang daming sidelights na pumukaw sa pansin ng mga peeping toms.

Tignan niyo ang mga eksenang ito:

First Frame: Isnaban Blues

Gaya ng inaasahan, hindi nagpansinan ang dalawang lola kahit pa ilang dipa lang ang layo nila sa isa’t isa. Ang hirap  ng ganun dahil sa liit ng showbiz, hindi maiiwasang hindi sila magkita. Hindi kaya nagka-stiff neck sila nung gabing iyon?

Second Frame: Backstage buddies

Tila enjoy na enjoy si Pong Pagong sa company ni Kiko Matsing. Ayaw sanang bigyang malisya ng ating peeping tom, subalit may narinig siya dating kuwento na nagli-link sa dalawa. Pero pinigilan niya ang sariling mag-isip ng masama, kaya ang nasambit sa sarili: “Tsismis lang siguro.”

Third Frame: Beso Moment

Uy, bumeso si Girlaloo sa Lola, na kahit maamo ang mukha ay napaka-intimidating ng personality. Isa itong proof na “it’s over” na ang i-don’t-like you line ng huli sa una.

Kaya yung mga nagsasabing, baka magkabalikan sina Star at ang dati niyang girlfriend, baka maudlot kasi si Girlaloo pa rin ang nasa puso raw ni ni STAR. Yun na!

What I say is not what you get

Filed under: Blind Item — admin at 7:31 pm on Monday, February 8, 2010

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Medyo napakamot ng ulo si peeping tom noong narinig niya ang kuwento tungkol sa isang celebrity, na itatago natin sa pangalang Imelda.

Nakita raw kasi ito sa lobby ng isang posh condo, kung saan nakatira ang sinasabing on-and-off boyfriend niya.

peeping-toms3.jpg

Nawindang daw ang nakakita kasi madaling araw na iyon, as in alas-kuwatro. Bakit ganun kaaga???

Nawindang naman ang napagkuwentuhan kasi nitong nakaraang buwan, sinabi ni Imelda sa isang interbyu na wala muna silang usap-usap ni guy. So, how’s that? Nag-sign language sila? Hahahaha! Kidding aside, marahil ito ang dahilan kung bakit ganoong oras siya pasikretong umaalis.Yun na!!!