| Register
Peeping Toms

Mr. Loner

Filed under: Blind Item — admin at 5:51 pm on Thursday, January 28, 2010

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Edward Pimentel

Heto ang ibinulong ng isang peeping tom:

Medyo hindi masakyan ng mga kasamahan sa trabaho ang mood lately ng isang artista, na itatago natin sa pangalang Sol.

Kung dati-rati ay palangiti raw ito at parating nambabati.

Nitong mga nakaraang araw ay mas gusto nitong nasa sulok lang. Hindi nagsasalita. Hindi nakikisalamuha.

peepingtoms3.jpg

Ano kaya ang problema niya?

Okay pa naman ang career ni Sol, pati family life.  Pero dahil sa inaasal niya, baka isa-isa mawala ang kung anuman ang meron siya sa ngayon.

Gusto niyo ng clue? Basta, talented siya. Yun na!

He loves me, he loves me not. He loves me, he loves me not…

Filed under: Blind Item — admin at 1:46 pm on Thursday, January 21, 2010

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Edward Pimentel

Heto ang basa ni peeping tom tungkol sa isang sikat na artista, na tatawagin nating Sakura, at isang sikat na aktor, na itatago natin sa pangalang Pokemon.

Bagamat madalas daw makitang magkasama ang dalawa, tila malabo na maging ganap silang couple, kahit bagay pa sila.

Paano kasi, may mga pagkakataong imbes na si Sakura ang samahan ay iba ang ginagawang buddy-buddy ni Pokemon.

Tignan mo ang eksenang ito na madalas mangyari tuwing may break sa taping.

peeping-toms2.jpg

Siyempre, hindi maiwasan ni Sakura ang ma-disappoint kasi mas pinipili ang kaibigan kesa sa kanya.

Gusto mo ng clue? Punta ka sa PODCAST, tiyak na meron doon.

Hotties tsismis

Filed under: Blind Item — admin at 7:11 pm on Friday, January 15, 2010

Text: Trisha Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Edward Pimentel

Wala masyadong blind items nitong mga nakaraang araw dahil tila nag-ingat masyado ang mga artista at umiwas nang todo-todo sa mga peeping toms.

Pero, kahit pa naging mailap sila, meron pa ring mga hindi nakaligtas sa pandinig ng ating mga sources.

Kaya meron tayong hindi lang isa kundi tatlong items. Pero walang gaanong clue para mas exciting! Tignan ang illustration sa ibaba.

peeping-toms.jpg

Una, si Boy Bangko, na nasa unang frame. Say ni Mama sa lovelife niya, aprub!

Pangalawa, si Mamang Maggagamot. Ooopps, bakit parang may non-showbiz girlaloo na umeeksena?

At ang huli ay si Mr. Manok. Yung stariray na nali-link sa kanya, walang nagkakamaling manligaw kahit pa pang-woman-of-your-dreams ang biodata. Paano kasi, lagi silang magkasama at iniiisip ng mga tao na may something pero ang totoo…nothing!

Want more clues? Check out our PODCAST, tiyak na may matitisod ka roon. Yun na!

Kuwarto ng Katotohanan

Filed under: Blind Item — admin at 8:55 pm on Monday, January 4, 2010

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Edward Pimentel

Heto ang nasagap ng ating peeping tom tungkol sa isang isyu na hindi mamatay-matay kahit deny to death ang major characters.

Sa isang hotel, nagkabiruan daw ang isang sikat na artista, na tatawagin nating Jao, at ang kabatian nitong host-actor, na papangalanan nating Juancho.

Isang key card ang inabot umano ni Jao kay Juancho.

Si Juancho naman, not knowing kung ano ang nasa loob ng kuwarto, ay ginamit ang nasabing key card.

Pagbukas daw ng pinto, nagulat siya sa nakita. Di naman ito censored. Bagkus, isang revelation!

peeping-toms1.jpg

Dalawang tao raw ang nandun: Parehas ang apelyido, at ang isa ay kasalukuyang nali-link kay Jao.

Agad na isinara ni Juancho ang pinto at kumaripas ng takbo. Paano kasi, nasa loob ang masasabi nating pruweba ukol sa mga kumakalat na balita tungkol kay Jao at yung nakita ni Juancho sa kuwarto.

Gusto mo ng clue?

Bisitahin ang PODCAST, isa doon ay may kinalaman kay Jao at yung isa naman ay kay Juancho. Yun na!