| Register
Peeping Toms

Can’t take my eyes off you

Filed under: Blind Item — admin at 8:55 pm on Tuesday, December 22, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Sa isang party na naganap kamakailan, ito ang na-obserbahan ni peeping tom:

peeping-toms3.jpg

Ayan, isang medyo NENE pa ang nakitang umaaligid-aligid sa isang TANDERS.

Bago kayo mag-isip ng masama, hayagan nating sasabihin na wala silang relasyon.

Hindi rin si NENE ang mga tipong babae ni TANDERS.

Wala rin sa tipo ni NENE ang pumatol sa TANDERS.

Pero ang nakapagtataka, bukod sa nagmistulang guwardiya si NENE ni TANDERS, aakalain mong tila may “gusto” si NENE kay TANDERS?

Bakit kaya? Bunsod ba ito ng matinding pangangailangan?

Para sa karagdagang clue, bisitahin ang PODCAST. Isa sa mga larawan doon ay kaparehong na-link ni NENE sa isang budding-sinking actor.

“Play duh” star

Filed under: Blind Item — admin at 4:01 pm on Friday, December 11, 2009

Text: Trish Alvarez, Illustration: Rommel Llanes, Colors: Mark Pimentel

Isang peeping tom ang nagbulong sa amin tungkol sa nasaksihan niya sa loob ng Philippine Airlines, flight PR 105, noong ika-11 ng Nobyembre.

Hindi naman daw ito isang iskandalo, pero maaaring sabihing pruweba na hindi lahat ng artista ay makakakuha ng star treatment.

Heto ang nangyari:

Namataan daw sa business class section ang isang star, na itatago natin sa pangalang Smarte. Sa seat 2A daw ito nakaupo, katabi ang isang matandang babae.

Pero nung nag-usisa raw ang mga flight attendants, humirit daw si Smarte ng something like, “Ahhh,what’s boarding pass ba? Alin? Di ko knows, e.” At ganun din daw ang linya ni lola.

peeping-toms2.jpg

Pero noong tignan ang manifest, dapat ay bakante raw ang 2C. At si lola ay dapat nasa  42G, sa Economy class.

What’s the ending? Pinalipat ang lola ni Smarte.

Ang nasabing eksena ay nasaksihan din ng isang Kapuso broadcaster. Gusto niyo pa ng clue? Bisitahin ang PODCAST dahil tatlo roon ay kapareho ni Smarte ng TV network. Yun na!

Mama don’t preach!

Filed under: Blind Item — admin at 3:41 pm on Thursday, December 3, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Kuwento ito ng isang peeping tom tungkol sa tila “you-and-me-against-the-world” love story ng isang star at starlet.

Bagamat hindi direktang inaamin sa publiko ang matagal na nilang relasyon, talagang nagmamahalan daw ang dalawa sa totoong buhay.

Noong nagkaroon nga ng hindi inaasahang pangyayari sa buhay ni star. Ang una raw niyang hinanap ay si starlet, na siyang nagdala kay boyfriend sa pastor ng isang religious group.

One day, umentra sa eksena si madir. Nakita kasi nitong nakaparada sa harap ng bahay ang isang pamilyar na sasakyan.

Nagtaray daw ito at pinabababa ang nasa loob ng sasakyan.

Subalit noong bumukas ng pinto…

peeping-toms1.jpg \

…ang bumungad sa kanya ay hindi si starlet, kundi si pastor.

Magkapareho kasi ng sasakyan ang dalawa. Napahiya si madir.

Ang tanong, sino sina star at starlet? Bisitahin ang PODCAST dahil isa sa mga nandoon ay naging malapit sa puso ng isa sa ating bida. Yun na!