| Register
Peeping Toms

He likes her. She likes him not?

Filed under: Blind Item — admin at 8:59 pm on Monday, November 16, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Isang peeping tom ang nagbulong sa atin tungkol sa plano ng isang male star, na itatago natin sa pangalang Adolf.

Tila gustong maniguro nitong si Adolf na papatok ang kanyang susunod na proyekto, kaya may I request siya na maging katambal si Tatiana, ang code name natin para sa isang sikat na aktres.

Ang siste, hindi pumayag si Tatiana. Bakeeet???

Hindi ganoong malinaw ang dahilan ng kanyang pagtanggi, pero ang bulung-bulungan, may kinalaman ang isa pang male actor, na tatawagin nating Vladimir.

Sinasabing malapit sa puso ni Tatiana si Vladimir.

Hmmm, selos kaya ang isyu? O may iba pa? Kayo na bahala.
peepingtoms3.jpg

Samantala, may bonus na chika ang isa pa nating peeping tom:

Isang magsing-irog daw ay mahilig magpalipas ng gabi sa isang hotel na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA. Gusto nila rito kasi, friendship nila ang may-ari.

Mas okay na raw sa doon kasi nasa horizon man, tago naman.

Ang kaso, alam naman natin na basta artista ay mas mabilis pa sa kidlat ang tsismis, kaya ayun, huli sila ng isang peeping tom!

peeping-toms2.jpg

Siyanga pala, kung gusto mo pa ng clue, silipin ang PODCAST. Tatlo sa mga taong nandoon ay nakatrabaho na mga karakter na binanggit natin dito.

DOM snatches a Nene

Filed under: Blind Item — admin at 11:14 pm on Friday, November 6, 2009

Text: Trisha Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Medyo kakagulat ang feed ng isa nating peeping tom.

peeping-toms.jpg

Isang sweet-looking actress daw kasi ang involved. Itago natin siya sa pangalang Nene. Would you believe, nakikipagkita raw ito sa isang executive na may edad na?

Kung halimbawang totoo ang umabot na balita sa amin na they’re playing sweet music together na raw, hindi na tayo magugulat kung biglang magkaroon ng launching solo project itong si Nene.

Kaya, let’s wait and see na lang.

Want more clue? Bisitahin ang PODCAST, may apat na tao doon na katrabaho ni Nene sa isang palabas. Yun na!