Peeping Toms

The French Fries incident

Filed under: Blind Item — admin at 11:12 pm on Thursday, October 29, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Mas mahigpit na ngayon ang isang mall pagdating sa mga events na may artista. Sa katunayan, noong nagkaroon ng autograph-signing itong sikat na aktor, dinagdagan daw ang kanyang bodyguards.

Bakit?

Kasi ito raw ang naganap nitong nakaraang linggo, bago nag-autograph-signing:

peepingtoms1.jpg

Dinumog daw ng fans ang isang prized talent ng isang TV network na itatago natin sa pangalang Joseph, pero may isa na lumapit para batuhin siya ng french fries.

Bakit kaya?

A. Ayaw kaya siya ng fan?

B. May ginawa kaya siya na ayaw ng fan?

C. May kaibigan siya na ayaw ng fan?

D. None of the above.

That’s it for now. Happy Halloween!

P.S. Dalawin niyo naman si PODCAST, may clue kasi doon, e.

Torn between two loves?

Filed under: Blind Item — admin at 4:42 pm on Wednesday, October 21, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Maraming mata ngayon ang nakatutok sa isang condominium sa Quezon City. Paano kasi, mga artista raw ang namamataang pumupunta rito.

Ayon sa ating peeping toms na nasa paligid-ligid lang ng nasabing building, madalas daw nila makita rito ang isang singer na itatago natin sa pangalang Enteng. Mga apat na beses sa isang linggo daw siya dun natutulog. Darating daw ng late-night at aalis ng late-morning.

Akala nila, unit owner siya, yun pala, may dinadalaw lang si Enteng. Isang kaibigan.

At sino naman ang kanyang binibisita? Itatago natin si unit owner sa pangalang Julian, na isang aktor.

Ang siste, may mga araw daw na nakikita rin doon ang katambal ni Julian na itatago natin sa pangalang Marsha. Hindi kasing-dalas ni Enteng, pero paminsan-minsang pumupunta si Marsha doon.

May isang beses daw na magkasabay sina Enteng at Marsha, pero sumaglit lang ang huli.

Ano kaya ang ginagawa ni Enteng doon?

Ano naman kaya ang say ni Marsha sa pagpunta doon ni Enteng?

Hindi kaya torn between two loves si Julian?

O, baka naman friend niya lang ang dalawa, kaya kung tutuusin, wala namang masama kung dalawin siya sa kanyang unit.

peepingtoms2.jpg

LQ (as in Loud Quarrel)

Filed under: Blind Item — admin at 7:05 pm on Friday, October 16, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Noong gabing dumating si Pepeng, isang artista—na itatago natin sa pangalang Ara—ang sinasabing inagawan ng eksena ang bagyo. Nakikumpitensiya kasi ang lakas ng kanyang boses sa lakas ng ulan.

peepingtoms3.jpg

Isang peeping tom ang nagkuwento sa amin na nagkaroon ng LQ si Ara at ang kanyang non-showbiz boyfriend. Pero instead of Lovers’ Quarrel, naging Loud Quarrel dahil dinig na dinig daw sa buong palapag ang kanilang sigawan at murahan.

Ang kuwento ni peeping tom, tila nagsinungaling si Ara dahil sinabi ng kanyang boyfriend ang linyang parang ganito: “Huwag ka nang magsisinungaling ulit!!!”

At nangyari ang kanilang LQ nang halos hatinggabi na, kaya maging ang mga natutulog na kapitbahay ay nagambala nang bongga.

Si Ara ay isang lulubog-lilitaw na aktres. Yun na!!!

Walk-out scene

Filed under: Blind Item — admin at 8:23 pm on Thursday, October 8, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Isang peeping tom ang nakapagkuwento sa amin tungkol sa mga eksenang nangyari raw sa isang relief operation nitong nakaraang Linggo.

Habang excited daw na nag-aabang ang mga sinalanta ng bagyong Ondoy, inip na inip namang naghihintay sa loob ng sasakyan si She-Who-Shouldn’t-Be-Named. Bakit ba di pa siya lumabas?

Say ni peeping tom: Hinihintay daw kasi ang media.

At noong dumating ang mga ito, saka lang daw ito lumabas.

Ang siste, habang nag-aabot ng relief goods at nakikipag-kamay si She-Who-Shouldn’t-Be-Named, napansin nitong nawawala ang kanyang bracelet.

Ang sumunod na eksena: nag-walk out siya!

peepingtom11.jpg