| Register
Peeping Toms

Prima Diva

Filed under: Blind Item — admin at 5:06 pm on Saturday, September 19, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Eto, binulong ng isa sa aming mga peeping toms:

Isang Newbie ang dapat sana ay kasama sa isang serye.

Pero hindi natuloy dahil isa sa mga lead stars, na itatago natin sa pangalang Diva,  ng nasabing serye ay nagsabi ng, “I don’t like her.”

peepingtom2.jpg

Sa linyang iyon ni Diva, natanggal sa cast si Newbie.

Astig ‘noh!

Sa kabila tila roller coaster na takbo ng career ni Diva, tila hindi raw talaga nito maalis ang kanyang pagiging Diva. Kaya nga kung bibigyan siya ng titulo, dapat: PRIMA DIVA. Yun na!

“Biktima”

Filed under: Blind Item — admin at 5:07 pm on Friday, September 11, 2009

Trisha Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Dalawa ang blind items na handog sa inyo ngayon ng ating mga peeping toms. Matagal-tagal din silang nagbakasyon kaya naisipan nilang bumawi.

Ang una ay tungkol sa isang babae na naging biktima ng iskandalong sumabog nitong taon na ito.

Sa huling party raw na dinaluhan niya, medyo naimbiyerna ang ilang photographers kasi Miss Iwas ang drama niya. Kapag sinusundan siya, hindi raw mapakali at umaalis bigla.

Ayun, ang mga kuha niya, either putol o unflattering.

Bakit kaya asiwa siyang magpakuha ng larawan? Nahihiya ba o natatakot siya? Baka naman hindi pa siya sanay sa buhay artista. O di kaya, may trauma pa siya. Yun na!!!

pep2.jpg

Yung sumunod na subject natin ay maituturing din daw na isa ring biktima.

Pero kung sisiyasatin ang ilang detalye ng kanyang buhay, medyo mahirap paniwalaang siya ang agrabiyado.

Halos lahat yata ng naisin niya ay kaya niyang gawin. Ang dami nga raw niyang girlfriends—may beauty queen daw,  modelo, at meron pa ngang naka-kolehiyala uniform. At karamihan sa kanila, nakatira sa isang magarang apartment.

Bachelor na bachelor nga raw ang dating niya, kahit hindi na siya masyadong bata. Yun na!

pep1.jpg