| Register
Peeping Toms

Nabitin si Boy Tuod!

Filed under: Blind Item — admin at 4:04 pm on Monday, August 3, 2009

Text: Vlad Bank/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

peep-july14.jpg

 

Tawagin na lang natin siyang Boy Tuod. Kasi kapag nakikita mo siya sa TV, para kang nanonood ng taong tuod—nagsasalita siya, tumatawa, nakangiti, pero parang laging matigas na kahoy. As in mukhang tuod talaga.

 

Pero hindi mo naman masasabing pangit siya. In fact, isa siya sa pinaka-yummy ngayon na lalaki sa showbiz. Marami ngang girls and gays ang nagpapantansya sa kanya. Kaya nga nakakapagtaka nang makarating sa amin ang isang kuwento kung paanong nagpaka-”manyak” daw siya sa isang pretty but no-name pa naman na girlash.

 

Ganito ang kuwento, na nagmula sa isang peeping tom:

 

Magkasabay noon si Boy Tuod sa elevator ng isang building at si No-name Girlash. May ginawang katawa-tawa si No-name Girlash na nakatawag-pansin ni Boy Tuod.

 

Naging friends sila from then on.

 

Isang gabi, niyaya ni Boy Tuod si No-name Girlash na pumunta sa house nila to have dinner. Hindi basta pumayag si No-name Girlash kasi magkalayo ang bahay nila ni Boy Tuod. Nagkasundo na lang sila na mag-meet halfway, nagkita sila sa Makati.

 

Noong nagkita sila, biglang nag-aya si Boy tuod na pumunta sila sa bahay dahil andun daw ang mga kapatid at may konting salu-salo.


Feeling-safe sa imbitasyon ni Boy Tuod, go si Girlash sa bahay nito. Pero nung nandoon na sila, nagtataka siyang pumasok dito dahil walang tao.

 

Ang lalo pang ipinagtaka ni Girlash—naka-dim light ang bahay.   

 

Kahit may gulat factor sa babae, nag-stay na lang siya dahil manonood lang naman daw sila ng DVD.”

 

Watch nga sila hanggang sa nagsimulang maging malikot si Boy Tuod at pilit ipinapa-feel kay Girlash ang kanyang matigas na sanga!

 

Shock-a-boogie raw si Girlash! Nagpumiglas ito mula sa pagkakayakap ni Boy Tuod, sabay dialogue ng, “I’m not that type of girl!”

 

Tila walang planong ihatid ni Boy Tuod si No-name Girlash kung hindi pa nagtaray ang huli. Walang nangyari noong gabing iyon. At hindi naging maganda ang moment ni girl kay boy.

 

Months later, nakarating daw kay No-name Girlash ang version ng istorya ni Boy Tuod, na ipinagkakalat na ang babae raw ang nagsimula ng lahat at nagpakita ng motibo. Tumaas na lang ang kilay ni No-name Girlash.

 

Ang tanong: Sino si Boy Tuod? Basta, dati siyang nasa primetime na napunta sa morning slot ‘tapos napadpad sa afternoon viewing. Yun na!