| Register
Peeping Toms

Former “roommates”

Filed under: Blind Item — admin at 11:24 am on Thursday, July 16, 2009

Text: Trisha Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Mahigit isang taon din na naging “roommates” si actress, na itatago natin sa pangalang Queen, at si businessman, na papangalanan nating Don.

Kung titignan silang dalawa, animo’y blissful ang kanilang samahan.

Subalit nitong nakaraang buwan, nilisan ni Queen ang bahay. Hindi gaanong malinaw ang rason, pero matagal na palang may lamat ang samahan nila ni Don. Bihira raw sila mag-usap at magpansinan.

Isang peeping tom na malapit sa ilang artista ang nagparating ng kuwentong ito sa PEP. Ilang beses na nga raw na napabalitang tinapos na ng mag-roommate ang kanilang samahan, pero deny-to-death pa ang dalawa.

Ang problema ni Queen, marami siyang naiwang gamit sa bahay, kasama na ang kanyang mga mamahaling damit at bag. Pati ang mga anak ay hindi nga raw nakapagbitbit ng uniporme. At ngayong gusto na raw niyang kunin ang mga ito, tila may “hold” order si Don.

Ang masaklap pa, wala raw yatang maaasahan na anumang suporta si Queen mula kay Don.

Kahit na ang mag-”roommate” ay legal na mag-asawa. Kahit na ilang taon din silang nagsama. Kahit na meron silang tatlong anak.

peeping-july15.jpg