| Register
Peeping Toms

Secret lovers

Filed under: Blind Item — admin at 6:50 pm on Friday, June 26, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Isang peeping tom ang nakapagkuwento sa amin na namataan niya ang isang aktres, na itatago natin sa pangalang Dina, sa shooting ng isang pelikula na pinagbibidahan ng kanyang napapabalitang boyfriend, na itatago natin sa pangalang Miko.

Habang pinapanood ang isang eksena, kung saan naglalandian si Miko at ang kanyang leading lady, pabirong tinanong si Dina kung nagseselos ba siya.

At ang hirit ni Dina: “Hayaan mo na iyan, sila sa pelikula lang, kami naman sa totoong buhay.”

Ang siste, secret lovers ang drama ng dalawa. Hmmm, kelan kaya sila aamin?

peeping-tom25.JPG

Gusto niyo ng clue? Meron sa PODCAST section.

Inosente

Filed under: Blind Item — admin at 10:47 pm on Wednesday, June 17, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Bago niyo ito basahin, bibigyan namin kayo ng babala: For Adults Only.

And since medyo sensitibo ang paksa, isa pang babala: Walang clue.

Isang peeping tom ang nagbulong ng isang shocking detail about this STAR na kung titignan ay napaka-inosente ng mukha.

At dahil nga sa kanyang “virginal look,” dalawang teen stars at isang bachelor ang napabalitang nanligaw at naging boyfriend daw niya.

peepingtomjune17.jpg

Pero alam niyo bang meron daw siyang secret noon para ma-preserve ang virginity niya, at para hindi rin mabuntis sa maagang edad? Hindi na natin kailangang sabihin ang exact words ni peeping tom, pero ang secret niyang iyon ay may kinalaman sa kanyang sexual preference. Gets niyo?

Choice naman iyon, pero nakakagulat lang kasi bata pa siya, ginagawa na niya iyon. Hindi lang natin alam kung hanggang ngayon.

Talaga nga namang sa showbiz, what you see is not what you get.

Atraso sa bangko

Filed under: Blind Item — admin at 8:39 pm on Tuesday, June 2, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

 

Isang peeping tom ang nagbulong sa amin na idinemanda raw ng isang bangko ang kilalang personalidad sa showbiz dahil sa estafa.

 

Itago natin siya sa pangalang Maria.

 

Kilala si Maria na galante at mahilig sa mamahaling gamit. Kaya naman, nagulat si peeping tom noong masagap niya ang balita sa bandang Pasig Regional Trial Court.

 

Hmmm, magkano kaya at para saan ang pera? Naku, bisitahin ang PODCAST SECTION at baka may mahanap kayong clue doon.

 

img165.jpg