| Register
Peeping Toms

Almost-lover ‘tol

Filed under: Blind Item — admin at 7:07 pm on Tuesday, May 12, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Noong isang linggo, isang prominenteng personalidad na itatago natin sa pangalang TOL ang namataan ng isang peeping tom na malungkot, habang naglalakad sa beach. Nakakapanibago kasi kilala ito sa pagiging masayahin.

Nagtaka tuloy si peeping tom: Bakiiiiitttttttt?

At ang kasagutan:

peepingtoms.jpg

Ayun, may nakilala pala itong si TOL at gusto raw niyang makasama noong gabing iyon. Ang kaso, tumanggi iyong taong nakilala niya.

At sa lahat ba naman ng taong puwedeng makarinig sa usapan nila, mga press pa ang tiyempong malapit sa kinaroroonan nila.

Tsk. Tsk. Poor Tol. Hindi naka-score.

Tsk. Tsk. Ulit. Hindi man niya lantarang aminin, pa-girl pala siya.

Intoxicated

Filed under: Blind Item — admin at 10:05 pm on Monday, May 4, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Sino ba itong Celebrity na kapag nalalasing ay tila nasasaniban ng espiritu?

Tatlong peeping toms ang naabutan siya sa tatlong magkakaibang parties, at iisa lang ang kanilang kuwento: Mas nagiging playful daw ito.

dancingflossin.jpg

Mas madaldal siya, magalaw, at sumasayaw pa raw! Tuloy, naiilang ang mga tao sa paligid niya.

Sa isang party nga raw, kitang-kita ng crowd ang pagka-asiwa ng dati niyang kasamahan dahil yakap nang yakap itong si Celebrity sa kanya.

Wala namang masama kungĀ  gusto niya ng good time, pero sana, hinay-hinay lang kasi bilang Celebrity, maraming mga mata ang nakatutok sa kanya.