Peeping Toms

Wake up!

Filed under: Blind Item — admin at 8:18 pm on Tuesday, April 21, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Ashel Uson

Kamakailan, heto ang eksena sa isang high-end na department store:

peep1.jpg

Isa sa mga customers ay may kausap sa telepono, at napakalakas daw ng kanyang boses kaya dinig na dinig ng mga nasa paligid ang kanyang sinasabi.

Una, ginigising nito ang kanyang anak at pinaghahanda na para sa taping.

Pangalawa, sinabi nitong siya na ang bahala doon sa writer ng show, kung saan kabilang si anak. Feeling daw kasi ni customer, sinasabotahe ni writer ang script.

Gusto niyo ng clue?

Dating gawi, bisitahin ang PODCAST dahil dalawang stars doon ay may konek kay customer.

Isnabero

Filed under: Blind Item — admin at 4:05 pm on Friday, April 10, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Kapag artista ka, tiyak na mapipintasan ka kung ikaw ay masungit. Kasi nga naman, kung wala ang mga tao na matiyagang sinusubaybayan ang mga projects mo, wala ka sa kinalalagyan mo.

Hindi naman maitatanggi na minsan ay pagod ka o wala pang tulog, pero mas maganda kung sabihin mo nang maayos ito sa fans  kesa maging isnabero ka.

peep.jpg

Sa isang party na naganap a few weeks ago. Dismayado ang mga fans sa inasal ng isang male star. Magre-request sana  sila ng isang photo op with him, pero umiwas daw si male star at sumimangot pa.

Pero okay lang, dumating din kasi si male star 2, na sikat din, at walang pag-aalinlangang pumayag na magpakuha ng litrato at mag-autograph.

Say ng isa sa mga saksi, “Kay males star 2 na lang ako, guwapo na, mabait pa. Si male star, isnabero.”

Pumunta kayo sa PODCAST, isa sa mga ladies doon ay nakapareha ni male star. Yun na!