Peeping Toms

Ang na-shock na masahista

Filed under: Blind Item — admin at 6:01 pm on Thursday, March 19, 2009

 Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Paulit-ulit kong sasabihin sa inyo na sa showbiz, “What you see is not what you get.”

May mga stars diyan na mukhang anghel sa telebisyon pero medyo demonyita ang ugali sa totoong buhay.

May mga stars diyan na nagbagong-buhay na raw pero may mga ginagawa pa rin sila na hindi tugma sa sinasabi nila.

Gaya na lang ni AKTOR.

Kamakailan ay nagpamasahe raw ito. Laking gulat ng masahista noong hilingin ni AKTOR na mag-one night stand sila.

pepingtoms.jpg

Na-shock ang masahista, kasi hindi ganun ang pagkakakilala niya ke aktor.

At lalo itong na-shock kasi medyo mapilit daw si AKTOR.

Pero ang ending, walang nakaka-shock na nangyari. Pero ang na-shock na masahista ay agree sa nauna na naming sinabi: “What you see is not what you get.”

Siyanga pala, bisitahin niyo na rin ang PODCAST section. Kung magtitiyaga kayo, isa sa mga naunang items ay tungkol sa AKTRES na minsan ay naging malapit sa puso ni AKTOR.

Madir dir

Filed under: Blind Item — admin at 10:12 am on Wednesday, March 11, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Naloka ako sa ibinulong ng dalawang peeping toms.

Isang aktres daw na tatawagin nating “Madir” ay medyo OA kung maka-demand para sa kanyang kiddo.

peep2.jpg

Naiintindihan naman natin na “Mom knows best,” pero minsan talaga ay may kalabisan ang kanyang mga request.

Una, isang crew ang napasama sa field trip ni kiddo dahil doon lang daw puwedeng mag-shoot si kiddo.

Okay lang naman siguro iyon, lalo na kung wala nang ibang sked.

Ang medyo malabo, ang crew ang pinagbayad sa field trip ni kiddo?!!!

Pangalawa, sa isang pictorial naman. Ang gusto ni Madir ay designer clothes ang damit ni kiddo. Ang kuwento pa nga, nagbigay pa raw ng brand si Madir na kung pagbibigyan mo ay hindi praktikal na gumastos ng ganoon para sa isang shoot lang.

Hay. Kung gusto ni Madir na mas tumagal pa sa industriya at dumami ang projects niya at ni kiddo, dapat bawasan na ang pagiging “demandiva.” Gets mo ba? Yes, huwag siyang maging isang diva na demand nang demand ng kung anu-ano!

Anyway, kung gusto mo ng clue, bisitahin ang PODCAST. Sa page two, maraming nakatrabaho doon si Madir. Yun na!