Peeping Toms

Video

Filed under: Blind Item — admin at 1:58 am on Saturday, February 28, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration:Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Ikuwento ko lang ang snabi ng isang source sa peeping tom natin.

Isang celeb couple daw ang nagkaroon ng LQ kamakailan?

Bagamat hindi ito nabalita, napansin ng mga taong nakapaligid sa kanila ang tila ay panlalamig ni Girl kay Guy.

Ang rason:

peepingtoms1.jpg

Nakita raw ni Girl ang video na ito kung saan may kalambingan na Girlalet si Guy. Mukha namang friendly beso lang ang dating. Ang kaso, sinabi ng source na nahuhulog daw ang loob ni Guy kay Girlalet. At maging si Girlalet ay nagkakagusto na rin daw kay Guy.

Nakupo, huwag naman sana. Marami kasi ang humahanga sa relasyon nina Guy at Girl, at ang iba ay nagnanais pa nga na sana ay ikasal na sila.

Sinu-sino kaya ang tintukoy ni peeping tom? Bisitahin na lang ang PODCAST at isa doon ay katrabaho ng celeb couple na pinag-uusapan natin. Yun na!

Fake breakup

Filed under: Blind Item — admin at 10:12 pm on Thursday, February 19, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Yas Salanga

Nakakalokah naman ang ibinulong ng isa nating peeping tom. Heto ang na-imagine ko sa chika niya:

piping-toms.jpg

Isang aktor at aktres na nag-break daw last year ay hindi naman talaga nag-break. Whaaaat!!!

Meaning, acting lang o scripted ang split announcement. Pero kapag walang camera, patago raw kung magkita ang dalawa.

Eh, bakit nila ginawa iyon?

Heto ang mga naisip namin na posibleng rason: (A) Bad for career ang love (B) Bad for love ang press (C) Feel lang siguro nila!

For more clues, punta ka sa PODCAST, dahil isa sa mga babaeng nandoon ay na-link kay aktor. What are you waiting for?

Take 30?!!!

Filed under: Blind Item — admin at 9:42 pm on Tuesday, February 3, 2009

Text: Trish Alvaraz/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Edward Pimentel

Uy, Pebrero na!

Since nasa love month tayo, hindi gaanong ma-intriga ang ating entry ngayon. Ika nga ng isang starlet dati, “Stop the war, not peace…Ay mali!!!”Hahahaha. 

Heto ang kuwento ng peeping tom:

Isang aktres ang nagkaroon ng TV commercial last year. Ang ganda at ang sosyal ng dating!

Ang siste, medyo nagka-aberya pala noong shoot.

Hindi naman dahil nag-prima donna si aktres o naging sakit ng ulo. Very minor lang naman ang naging problema. And take note, ang intensiyon natin dito ay hindi para manlait, kundi para sabihin na ang mga pulidong material na nakikita niyo sa telebisyon ay talagang pinaghihirapan. Mga ilang oras din ang inilalaan para lang maging maganda ang kalalabasan ng isang patalastas na 30-seconder.

Sa case ni actress, naka-ilang takes pala siya isa sa mga pinakahuling eksena. Bakiit?

Kasi, hindi niya mabanggit nang tama ang isang English word. As in, medyo nahirapan siya.

Hindi na lang sasabihin kung ano yun kasi hindi maganda. Yun lang.

peepingtoms.jpg

At kung gusto niyo ng clue, bisitahin ulit and PODCAST. Isa sa mga artista doon, kahit papaano, ay may kaugnayan sa kanya.

Anyhow, magpupunta ang PEP sa El Puerto Marina bukas para sa annual planning. Mga three days sila sa mala-palasyong lugar na iyan sa Pangasinan para isipin kung paano pa mas mapapaganda ang PEP. Magpakabait kayo, ha.