| Register
Peeping Toms

Live action scene

Filed under: Blind Item — admin at 8:40 pm on Monday, January 19, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Sa showbiz, kadalasan na what you see is “not” what you get. Malaki talaga ang nagagawa ng “packaging” para i-set ang perception ng tao. Yung iba nga, di ba, ay nagbabayad ng image engineer para lang malaman kung anong karakter ang patok sa publiko.

Sa showbiz, kadalasang naitatago ang magaspang na ugali ng artista, lalo pa’t sikat ito. Kasi nga, dapat ay role model sila. Tanungin niyo ang mga make-up artists, camera and utility crew, at kahit security guards kung sino ang mga prima donna at bitchesa, tiyak na marami silang kuwento. Pero hindi gaanong ipinangangalandakan ang mga bagay na ito, Karamihan sa mga reporters ay idinadaan sa blind item.

Kagaya na lang ni male celebrity na itatago natin sa pangalang DD.

Sa telebisyon, parang ang cool niya. Actually, nakakatuwa ang sense of humor niya.

Sa mga diyaryo at balita, parang very responsible siya. Actually, puwede siyang maging pulitiko.

Subalit nag-iba ang pagkakakilala manin sa kanya noong nagkuwento itong isa sa mga peeping toms natin.

Nangyari ito two weeks ago. Kumain daw itong si DD kasama ang isang lalake. Ang kain ay sinabayan ng alak, kaya bandang hapon ay nalasing ang dalawa. Bigla na lang daw parang nagkapikunan ang dalawa ang nagsimulang magtalo. Umabot pa nga raw sa puntong hinawakan ni DD ang table knife.

Ang kanilang argumento ay umabot hanggang sa labas ng lugar, at doon at pinagtatadyakan ni DD si lalake.

peepingtoms.jpg

Natulala ang lahat ng nakasaksi. Mistulang eksena sa action film ang nangyari. Ang problema nga lang ay LIVE ito at hindi naman talaga ACTION STAR ang artistang pinag-uusapan natin.

Gusto niyo ng clues? Well, si DD ay hindi si Dingdong Dantes. Malinaw iyan, ha. At kapag bumisita kayo sa PODCAST section, isa doon ay masasabi nating kaibigan niya. Game na!

Touch me not

Filed under: Blind Item — admin at 8:12 pm on Friday, January 9, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Simula pa lang, naramdaman ko agad na hindi mauuwi sa totohanan ang reel tandem ni actor, na papangalanan nating Ado, at ni aktres, na babansagan nating Ada.

Kahit pa bagay na bagay sila at napakatural ng kanilang sweetness, nahulaan ko na magiging “for show” lang ang lahat.

At kinumpirma naman ito ng isang peeping tom.

Noong una, attracted did si Ada kay Ado pero habang tumatagal, nawawala ang magic.

Unang-una, ayaw ng pamilya ng aktres sa aktor. Lagi raw itong sinasabihan ng, “Naku, mag-ingat ka sa kanya.” Kasi nga, habulin ng babae itong si Ado.

Pangalawa, nalaman ni Ada na nagkaroon nga ng relasyon daw itong si Ado sa isa pang artista. At kahit pa alam niya na nagkikita pa rin ang dalawa, itong si aktor daw ay panay ang pagpapa-cute kay Ada.

Nitong huli na nakita namin sila, sweet na sweet pa rin ang hitsura nila, pero sa sa harap lang ng camera.

peepingtoms02.jpg

Kapansin-pansin na umiiwas at naiilang na itong si Ada kay Ado. Kapag yumayakap si lalaki, lumalayo na si babae. Kulang na nga lang sumigaw si Ada ng, “Touch me not!”

Tsk. Tsk. Bagay pa mandin sila…Sayang!

Para sa clue, bisitahin ang PODCAST.

“Gifted”

Filed under: Blind Item — admin at 3:31 pm on Saturday, January 3, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Sa mundo ng showbiz, talagang hitsura ang iyong puhunan. Yung iba, gumagastos ng limpak-limpak na salapi para lamang maging kaiga-igaya silang tignan. Tinatawag silang retokada.

Pero hindi lahat sa kanila ay umaaming nagpabawas o nagpadagdag o nagpaganda. At tanging ang kanilang mga doktor lang ang nakakaalam ng totoo.

Kahit sa press, sensitibong topic ang pagpaparetoke.

Last year nga, ayon sa kuwento ng ating peeping tom, isang reporter ang nangahas na tanungin ang isang young actress kung nagpadagdag ba siya ng dibdib o hindi.

peepingtoms03.jpg

Nagulat na nairita ang young aktres. Kasi nga naman, medyo “off” ang pagkakatanong at tila na-on-the-spot siya.

Halatang ayaw sumagot ni yung actress pero mapilit ang reporter. Ayun, tinawag ni young actress si road manager sabay lintanya ng, “Ano ‘to? [referring to the makulit na reporter na hindi lang isang beses nagka-trobol with celebs].”

Ang mga katanungan ni peeping tom noong gabing nangyari iyon?

Bakit kasi itong si reporter ay hindi marunong tumiyempo at medyo sumusobra nga ang pagiging agresibo?

At bakit naman ang mga artista ay kailangang ikaila ang pagiging retokada kahit pa napaka-obvious?

Pansinin niyo kung sino sa mga young actresses ngayon ang biglaang naging “gifted.” Yun na!