| Register
Peeping Toms

The Walkout

Filed under: Blind Item — admin at 5:42 pm on Tuesday, December 30, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Heto ang naibalitang eksena bago mag-Pasko:

peeping-toms2.jpg

Natatandaan niyo pa ang balitang ito?

Pero alam niyo ba ang dahilan?

Isa sa mga peeping toms natin ang nagsaliksik para alamin kung ano talaga ang puno’t dulo ng nasabing walkout incident, at heto ang kanyang nalaman.

Sa naunang script kasi, may eksena raw na nasa cockpit ang lalaking bida, kasi nga, piloto raw siya.

Ang gusto raw ng isa sa mga bossing, papasok daw si babaeng bida, na flight attendant naman daw ang role, para kausapin si piloto.

Ang tanong daw ni direk, something like… “Puwede ba iyon?”

Doon nagsimula ang argumento.

At ang ending? Nag-walk out si direk…as in, hindi lang sa set kundi sa project. Yun na!

Ms. Attitude Problem

Filed under: Blind Item — admin at 9:49 pm on Thursday, December 25, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Merry Christmas!

Gusto ko sanang mag-holiday today, kasi Pasko. Pero nate-tengga na ang blind items sa akin, kaya habang naghihintay ng mga inaanak ko, sige na nga, bigyan ko ng isa ang mga PEPsters.

Suki talaga ng mga peeping toms natin itong si aktres. Nitong nakaraang linggo, isa na namang kuwento ang ipinarating sa atin:

peeping-toms1.jpg

“Masamang-masama ang loob ng production staff sa isang female character ng kanilang teleserye. Matagal na palang inirereklamo ang pagiging prima donna nito sa kanilang executive producer, na wala rin daw magawa. 

“Until kumalat na ang reklamo nila at nakaabot sa TV executive. Pero sa halip daw na pakinggan ang hinaing nila, sabi pa raw ng TV executive, i-extend hanggang early next year ang teleserye para naman may pera sila sa Pasko.

“Nang ipinaalam ng TV executive ang balak ng management, wala raw itong nagawa nang hiritan siya ng staff ng, “Hindi bale na kaming walang pera sa Pasko, huwag na lamang namin siyang makatrabaho. Tama na sa amin na may peace of mind kami sa Pasko.”

O, siya. May narinig na akong kumakatok sabay sabi ng, “Namamasko po.”

Kaya, simulan na ang panghuhula. Bisitahin niyo rin ang PODCAST, ha. Wala lang…Gusto ko lang bisitahin niyo, kasi may matitisod kayo na clue.

Marriage on the rocks

Filed under: Blind Item — admin at 7:18 pm on Tuesday, December 16, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Actually, medyo panis na ang balitang ito. Narinig na natin kasi ito dati pa, kaya lang, hindi lang makahanap ng reliable source.

Mga ilang buwan din ang ginugol ng mga peeping toms para mag-imbestiga. At ang kanilang nalaman: Muntik na nga raw maghiwalay sina aktor at aktres.

Galing mismo sa bibig ni aktor, “Our marriage is on the rocks.” Paano kasi, medyo hindi na raw masakyan ni aktor ang ugali ng asawa. Hindi rin daw nito maintindihan kung bakit kailangang mag-imbento ni aktres ng kuwento para lang mapag-usapan siya. Sumasakit daw talaga ang ulo ni aktor.

At kung hindi lang daw sa isang kaibigan sa simbahan ang nagbigay-payo sa kanya na huwag mag-give up, malamang ay tuluyan nang lumayo ang loob ni aktor kay aktres.

Maaaring okay na ulit ang mag-asawa…Pero maging ang kaibigan sa simbahan ay unti-unti nang nadidiskubre ang totoong kulay ni aktres. Pareho pa rin naman daw ang sinasabi nito tungkol sa pagiging sagrado ng kasal, subalit kapag si aktres na ang pinag-uusapan ay nag-iiba raw ang kanyang tono.

Siyanga pala, bisitahin mo nga ang PODCAST, na kahit paano ay matutulungan kang mag-connect the dot. Yun na!

peepingtoms.jpg

Artista ba siya?

Filed under: Blind Item — admin at 12:07 am on Wednesday, December 10, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Hindi biro ang pagiging artista. Hitsura ang isa mga puhunan nila, kaya dapat parating maganda.

Hindi ba’t yung iba ay nagpapapayat o nagpaparetoke pa para lang maging kaaya-aya sila kapag humarap sa camera o mga tagahanga. Yung iba, gumagastos nang bonggang-bongga para sa damit at make-up.

Kaya naman naging topic ng ilang entertainment writers itong si aktres na itatago natin sa pangalang Maria. Noong dumating kasi siya sa isang event, halos hindi siya napansin.

Paano kasi, sa suot daw niya ay para lang siyang pinabili ng kung ano sa tindahan. Hindi rin daw siya nag-ayos.

peepingtom.jpg

Kung ang drama niya ay para ipakita ang kanyang natural na kagandahan, naku, hindi yata siya nagtagumpay, kasi nga hindi siya nagmukhang artista.

Napag-usapan din tuloy ang attitude problem nitong si Maria. Kahit yung una niyang choice na hahawak sana ng kanyang career ay umayaw, dahil hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na may katigasan ang ulo ng aktres.

Maging ang manager niya ngayon ay sumasakit na ang ulo dahil hindi nga raw mapagsabihan. Kung ano raw ang gusto ni Maria, yung ang kanyang ginagawa.

Hay, kung totoo man ito, sana bago mahuli ang lahat ay matauhan na si Maria.

Imahinasyon

Filed under: Blind Item — admin at 11:34 pm on Tuesday, December 2, 2008

 Text: Trish Alvarez/Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Yas Salanga

May ibinulong sa akin ang isang peeping tom na ikinagulat ko nang bonggang-bongga!

Tungkol ito sa isang insidente na naganap umano sa isang establisiyemento. Hindi ko na ikukuwento ang detalye nito, tutal, naibalita naman sa PEP nang ilang beses.

Pero nakakagulat talaga kasi nagkasagutan daw ang mga taong sangkot. Nagkaroon pa nga raw ng pag-uusap.

Ang kaso: Wala raw nangyaring insidente na ganoon.

peeptom.jpg

Ibig sabihin, kathang-isip lang daw ni aktres ang lahat!

Bakit niya gagawin iyon?

Grabe, kung totoo man ito, magaling ang acting at script ni aktres.

Ang nakakalungkot lang, paniwalang-paniwala ang publiko.

Tsk…Tsk…