| Register
Peeping Toms

Patient guy and Party girl

Filed under: Blind Item — admin at 10:35 pm on Monday, November 17, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Yas Salanga

Ang mundo ng showbiz ay parang sanga-sangang daan. Kung wala kang sense of direction, talagang maliligaw ka. Gaya na lang ng tsismis…

Halimbawang may naghiwalay na celebrity couple, ang daming bersiyon na puwedeng lumabas tungkol sa totoong dahilan.

May magsasabi na, “No third party involved.”

Meron ding, “Lack of time for each other.”

Medyo may kalabuan, di ba?

Kasi naman, may mga fans silang dapat intindihin, kaya hindi lang nila basta-basta masasabi ang, “I fell out of love, eh.” O di kaya ay, “Nalaman ko kasi ang totoong kulay.”

Gaya na lang ng couple na ito.

peepingtom.jpg

Ayon sa mga peeping toms, mga ilang beses daw nagpasensiya si lalaki sa pagiging “party girl” umano ni babae. Ilang beses din na nagpapasundo raw itong si babae nang lasing.

Sa madaling salita, either napagod si lalaki sa ganoong sitwasyon o na-realize nito na hindi niya natutulungan ang girlfriend kung kukunsintihin lang ni lalaki ang pagpa-party ni babae.

Kulitan and tampuhan blues

Filed under: Blind Item — admin at 5:20 pm on Thursday, November 6, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

peepingtoms01.jpg

Bago kayo mag-react sa nakikita niyong drawing sa itaas, pakinggan niyo muna ang kuwento. Huwag maging malisyoso dahil wholesome naman ang nasaksihan nitong peeping tom natin.

Naganap daw ito sa isang dressing room. Itong si Girl ay bigla na lang daw inatake ng kakulitan kaya ayun, ipinasok ang ulo sa damit ni Guy. How sweet! How kulit!

Itong dalawang ito ay hindi mag-nobyo pero masyado na silang kumportable sa isa’t isa, kaya wala nang kiyeme-kiyeme. Actually, kung maging sila, tiyak na hindi na magugulat ang karamihan. Yun na!

Heto naman yung pangalawang entry natin.

Sa huling pag-aaway daw ng mag-asawang ito, namili raw ng designer bags si misis. Actually, okay lang naman kasi afford naman niya, e, pero libu-libong dolyar daw ang kanyang ginasta!

Hindi na tayo magbibigay ng clue ha. Bahala na kayo.

Bisitahin na lang natin ang PODCAST SECTION para sa mas marami pang sound byte mula sa inyong mga idolo.

peeping-toms2.jpg