Peeping Toms

Separated?

Filed under: Blind Item — admin at 10:32 pm on Wednesday, October 29, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

May mga bali-balitang naikuwento ang isa sa mga peeping toms natin na dalawang artista raw ay hiwalay na sa kani-kanilang asawa.

Tsk. Tsk. Kakalungkot naman kung totoo, kasi mukha namang mababait sila.

peepingtoms.jpg

Gusto niyo ng clue? Yung mga lalake ay hindi taga-showbiz.

Bisitahin niyo ang PODCAST at baka may matisod kayo roon.

The Root

Filed under: Blind Item — admin at 5:59 pm on Thursday, October 23, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Yas Salanga and Mark Pimentel

And dalawang illustration na makikita niyo sa ibaba ay may kaugnayan sa isa’t-isa.

Paano?

Kasi yung dahilan kung bakit nangyari yung una ay dahil sa nangyari sa pangalawa. Gets? Hay naku, tignan niyo na nga maigi ang mga drawings.

peepingtom2.jpg

Nag-walk out si Girl kasi may nasabi si Guy na hindi maganda tungkol sa isang isyu. Nangyari raw ito sa birthday party ng isang aktres, na ang nobyo ay kilala ni Girl.

Pero bakit kaya ganun ang drama ni girl?

Ang haka-haka ng mga nandun ay…

peepingtom1.jpg

Haka-haka lang naman…Maaring totoo at maaring imbento lang. Puwedeng aminin at puwede ring hindi. Kayo, ano sa palagay niyo?

Hindi tayo sigurado kung ano talaga ang “ugat” ng mga pangyayari, pero ang sigurado tayo: ang mga isyu sa showbiz ngayon ay parang nagkasanga-sanga. Yun na!

Ship versus Train

Filed under: Blind Item — admin at 12:17 am on Friday, October 17, 2008

Text: Trish Alvarez and Maricris Nicasio/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Yas Salanga and Mark Pimentel

Napansin lang namin na gumagaling ang mga PEPsters sa panghuhula ng sagot sa mga blind items dito, kaya may bagong pakulo ang “Peeping Toms.”

Tutal, mainit naman ang balitang ito, napagpasyahan namin na wala kaming ibibigay na kahit anong clue. Tignan lang maigi ang larawan, sabihin kung ano ang pakahulugan nito para sa inyo, pati na rin ang mga taong sangkot sa isyu.

Masubukan nga kung gaano na kataas ang inyong SQ o showbiz Quotient.

peep.jpg

At siyempre, dahil nawiwili na rin kayo sa mga scoops ng peeping toms natin, heto pa ang isa.

(Read more… )

Former friends?

Filed under: Blind Item — admin at 3:59 pm on Tuesday, October 7, 2008

Text: Maricris Nicasio/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Ang daming nangyari sa showbiz nitong nakaraang araw kaya medyo naging busy rin ang mga peeping toms.

Ang dami nilang nasagap na puwedeng isulat, at medyo nahirapan kaming pumili.

Pero ito na lang ang pinagtuunan namin ng pansin, kasi medyo dumadami naman ang insidente sa showbiz ng mga magkakaibigang nagpaplastikan, nag-iiringan. Tsk. Tsk. Nakakulungkot naman :-( Sana maalala ng mga artista na mahirap humanap ng kaibigan kaya kung meron na silang natagpuan, huwag nang pakawalan.

Ito yung nakita namin kamakailan.

peeping-toms.jpg

Itong isang sexy actress ay tampulan pala ngayon ng usapan. Hindi kasi niya alam na isa sa mga itinuturing niyang kaibigan ang pinagmulan ng isang pangit na tsismis ukol sa kanya.

Ang siste, ayon sa isang very reliable source, umuutang si aktres A kay aktres B. Pero bago ito, marami nang kapwa artista ang inutangan ni aktres A at hindi raw nababayaran. Kaya naman nang ang kaibigang si aktres B na ang inutangan, hindi ito pinagbigyan.

Tumataginting na one million pesos daw ang inuutang ni aktres A kay aktres B. Para saan? Maluho raw kasi itong si aktres A at nabawasan ng raket sa telebisyon at pelikula, kaya napapadalas ang pangungutang.

Ang nangyari pa, naikuwento ni aktres B sa ilang kaibigan ang ginawang pangungutang sa kanya ni aktres A. Tsk! Tsk! Tsk! ulit.

Dati pa namang very close ang dalawang ito. Yun na!

Siyanga pala, mag-PODCAST ulit kayo ha. Nakakawili talagang pakinggan ang mga sinabi ng mga artista doon.