| Register
Peeping Toms

Kondo ni papa

Filed under: Blind Item — admin at 12:07 pm on Thursday, September 25, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Nakakaloka ang nasagap na tsismis ng isa nating peeping tom. As in.

Isang young male star daw ay may condo unit sa isang sosyal na siyudad!

O, e, ano ngayon?!!!

Ang kanyang unit ay binabayaran daw ng isa ring actor.

Talaga? Meron siyang sugar papa?

peepingtom.jpg

Nag-birthday nga kamakailan si young male star at palihim daw na dumating itong si actor.

Kilala niyo ba sila?

Ang siste, hindi mo talaga aakalain na itong si young male star ay lapitin pala ng mga papa. Baget na bagets kaya ang itsura.

Hindi mo rin aakalain na titira siya sa condo umano ni actor. Mukhang matino at mabait naman.

Hindi mo rin aakalain na magugustuhan siya ni actor.

Siyanga pala, i-plug ko ulit ang PODCAST SECTION ng PEP, ha? Naa-addict ako rito, e. Parang ringtone ang boses ng mga artista sa pandinig ko. Hahahahahaha. Try niyo!

Rich dad

Filed under: Blind Item — admin at 3:12 pm on Friday, September 19, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Kung ang isang artista ay guwapo, magaling umarte, edukado…kumbaga, ideal man, nakaka-turn off ba kung malaman mo na babaero siya?

Eh, paano kung meron na pala siyang mahal? At ang minamahal niya ay mas macho sa kanya?

Eh, paano kung ganito ang kanyang sitwasyon?

pepwho.jpg

May anak na siya. Ang ina ng kanyang anak ay may kapatid sa showbiz. At may sustento ang baby na 70,000 pesos kada buwan.

Ganun kalaki ang allowance? Ganun na ba kamahal ang magpalaki ng baby?

Ang opinyon ng isang peeping tom, gusto raw kasi makasigurado ni ACTOR na hindi lalabas sa media ang kanyang pagiging isang ama.

Hanggang kailan niya ito itatago? Alam kaya ito ng napapabalitang girlfriend niya?

Anyway, sa estado niya ngayon, he can very well afford the amount. Let’s just hope na manatiling stable ang kanyang career, yun na!!!

Ang laki talaga ng nagagawa ng image sa career ng isang tao ‘no. Kung meron kang sikreto, dapat magaling kang magtago. Kung hindi, baka mapurnada ang mga proyekto.

Kaya itong si ACTOR, nagbibigay ng sustento na 70,000 pesos kada buwan daw, para lang huwag lumantad sa media ang ina ng kanyang anak. Akalain mo iyon.

P.S. Siyanga pala, huwag kaligtaang bisitahin ang link na ito, ha: PODCAST SECTION. 

The three-timer?

Filed under: Blind Item — admin at 8:27 pm on Friday, September 12, 2008

 Text: Trish Alvarez/Illustration: Rommel Llanes/Colors: Mark Pimentel

Medyo nawiwindang ako sa breakup story ng dalawang artista na ito. Iba-iba kasi yung mga naglalabasang istorya. Iba-iba rin ang drama sa TV. Ang hirap tuloy malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Noong una, ang ipinarating ng isang peeping tom—wala raw third party. Parang ganito lang ang nangyari, “Oy, break na tayo, ha.” Ganun…Parang nagkagulatan lang.

Pero iba ang kuwentong nasagap ng isa pang peeping tom. Totoo nga raw na may third party. Ang ebidensiya ay nakalap ng isang imbestigador. Talagang sinundan daw si lalaki, at heto ang nakita…

2timer.jpg

Siyempre, hindi naman eksaktong ganyan ‘no. Hahahaha. Pero ang hindi maipagkakailang pruweba ay may kasama ngang ibang babae si lalaki.

Ang hindi natin alam ay kung meron ngang malisya ang mga nakitang eksena ni imbestigador o  wala.

Haaay, kayo na ngang humusga. Nakakawindang na ang isyu na ito!

Siyanga pala, binisita niyo na ba yung PODCAST section ng PEP? Kung hindi pa, go na! I-click lang ang LINK na ito.

Get out of my way!

Filed under: Blind Item — admin at 3:56 pm on Friday, September 5, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Sa showbiz, may iba’t ibang klase ng tao—may nagpapakatotoo, may nakikisakay, may nagpapanggap. Iniisip ko nga, karamihan siguro sa mga artista ay dumaan sa pagpapanggap, pakikisakay, at pagpapakatotoo. Sa simula kasi, karamihan sa kanila ay mababait, pero habang tumatagal ay lumalabas ang totoong kulay.

Hindi na bago sa showbiz yung may ibatong prima donna o superiority complex issue against celebrities. Yung iba totoo, yung iba ay imbento.

Yung iba ay tila hindi kapani-paniwala kung image ang pagbabasehan. Minsan, hindi maiiwasang magtanong ng, “Talaga? Ganoon siya sa totoong buhay?”

Anyway, iyan ang naging tanong ko noong narinig ang kuwento ng ating peeping tom. Isang male celebrity daw, na itatago natin sa pangalang Kulas, ang diumano’y may kakaibang ugali kapag wala na ang mga camera.

Tignan ko kung kaya ng powers mo ito.

hawiboy.jpg

Sa tuwing darating daw si Kulas, pinapalagyan ng cloth ang daraanan niya. Bakeeet? Ayaw niyang may mga taong nakaharang o nakatingin. Noong una, pinapahawi lang. Noong lumaon, nilalagyan na ng tela ang buong kahabaan ng corridor na nilalakaran niya. Sey nga ng isang fan, “Over itong si Kulas, daig pa ang presidente ng Pilipinas!

Hanggang doon na lang muna ang kuwento ni peeping tom at baka raw kamuhian natin si Kulas nang bonggang-bongga. Hanggang sa susunod…