Peeping Toms

Sundo

Filed under: Blind Item — admin at 7:11 pm on Thursday, August 28, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Sa pagkakatanda ko, nakita ko ang couple na ito sa magkahiwalay ng interbyu sa telebisyon at nagsabing okay na sila. May mga ilang insiders na nagduda. Pero meron din namang naniwala.

Medyo natigil ang mga haka-hakang hiwalay na sila.

Pero noong Lunes, namataan ng isang peeping tom natin si Girl sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport). Mukhang kararating lang from a trip.

Sinundan siya ng tingin at nakitang may sundo.

airport1.jpg

Ang siste, ang nakitang sumundo ay yung lalaki na nauugnay sa kanya.

Biglang napaisip si peeping tom, “Are they just friends now?”

Pero anuman ang totoong estado ng relasyon nila ngayon, ang hindi maikakailang bagay dito ay nagkikita pa rin sila. Yun na!

Bathtub scene

Filed under: Blind Item — admin at 7:09 pm on Wednesday, August 20, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Color: Elyas Isabelo Salanga

 

Ang galing sumagap ng peeping tom nating ito. Kahit yata sa kasuluk-sulukan at kadulu-duluhan ng mundo ay may matitisod na kuwento.

Yung latest ay tungkol sa isang celebrity at ang napapabalita pero hindi kinukumpirmang boyfriend nito. Namataan sila sa isang spa club na magkasama. Very harmless ang dating, di ba?

Pero ganitong eksena raw ang naikuwento sa source ng ating peeping tom.

peeping-tom.jpg

Ano’ng say mo?

Actually, no big deal naman yung makitang magkasama ang dalawang nagmamahalan.

No big deal din kahit matulog pa sila sa bathtub.

Ang siste, hindi kasi umaamin si babae tungkol sa kanilang relasyon. Bakit kaya? Ikaw, ano sa tingin mo?

 

 

LQ

Filed under: Blind Item — admin at 9:05 pm on Thursday, August 14, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Elyas Isabelo Salanga

Ang daming parties nitong nakaraang week. At siyempre, ang dami ring nasagap ng mga peeping toms natin.

May mga dating magkagalit na nagbatian. Uy, mabuti naman. May mga magkaibigang nag-isnaban at nagplastikan.

May mga umamin na sila na. May mga nag-deny pero mukhang charing. May mga nagpapakilig pero gimmick lang. At may meron ding mga LQ.

Speaking of LQ, may kuwento ang isang source natin. Sa isang party raw, sabay na dumating ang isang celebrity couple. Ang cute nila!

Medyo matagal na rin ang dalawang ito kaya wala nang ilangan kahit pa may mga press people. Ang sweet nila!

Halos hindi mapaghiwalay ang dalawa, maliban lang kung may mangilan-ngilan na guests na gustong magpa-picture.

Bigla na lang nakita ni peeping tom itong si Girl na nakasimangot. Maya-maya, nang-iirap. Maya-maya pa, halatang galit na.

Bakiiiiiit?

Iyon pala, may isang magandang babae na nagpakuha ng picture with Guy, at medyo naparami yata ang kuha—may kaswal, may akbay, at may pa-tweetums.

karen.jpg

Siguro naimbiyerna si Girl kasi ang tagal na niyang hinihintay si Guy. O siguro nagselos kasi may hitsura ang babae. O siguro nainis kasi medyo pinansin ni Guy si babae.

Sino kaya sina Guy at Girl? Ayokong magbigay masyado ng clue kasi may powers sila. Yun na!

Ms. Simangot strikes again!

Filed under: Blind Item — admin at 8:39 pm on Friday, August 1, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Ang sarap maging artista siguro ‘no. Kakaway at ngingiti ka lang, may bayad. Gagamitin ang mukha at pangalan mo sa isang TV commercial, may bayad. Aarte ka sa isang soap opera or pelikula, may bayad. At kahit nga kumanta ka pa nang sintunado, may bayad pa rin iyon.

Masarap na mahirap, kasi, nakadepende sa tao ang pagtamasa mo ng limpak na limpak na salapi. Kung gusto ka nila, maigi. Kung hindi, good bye.

At kapalit ng mas masaganang buhay ay ang iyong privacy. In effect, iniisip ng publiko na anumang meron ka ay dahil sa kanilang suporta.

Kaya nga medyo na-turn off ang ilang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport dahil sa inasal ng kanilang idolo.

Nang makita raw nila ito, sobrang tuwa nila at dagli-dagling humingi ng autograph at nakipagpa-picture. Ang saya-saya nila…maliban dun sa artista. Kitang-kita ng isang peeping tom ang pagsimangot nito. Nag-alangan na tuloy yung iba pa na lapitan siya.

airport.jpg

“Parang ang bait, iyon pala, hindi,” ang winika ng isa sa mga nasimangutan ng dalaga. Maiintindihan naman nila kung pagod siya pero sana, hindi na lang siya umismid. Mas mainan kung nakiusap na lang siya sa mga tagahanga niya.

Anyway, wala tayong clue dahil nakatitiyak naman akong hindi kayo mahihirapang tukuyin kung sino si Ms. Simangot.