| Register
Peeping Toms

Pagbabati na di nangyari

Filed under: Blind Item — admin at 12:12 am on Saturday, July 26, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Lei Bueno

Hindi na yata bago sa showbiz ang tampuhan, iringan, at minsan nga, sigawan. Dati may nagtapunan daw ng wine glasses, di ba? Naalala ko tuloy yung classic scene nina Sharon Cuneta at Cherie Gil sa isang pelikula.

Tapos meron din naman nagparinigan at nagkasagutan sa backstage, sa dressing room, sa set, at kung saan-saan pa. Tila telenovela ang mga pangyayari kahit sa totoong buhay ng mga artista.

Tulad na lang ng alitan sa pagitan ng dalawang female celebrities na itatago natin sa mga pangalang Ina at Ana. Bawat kampo ay may kanya-kanyang kuwento, kaya ang hirap tuloy malaman kung ano talaga ang nangyari.

At ang balitang umabot sa PEP kahapon, nagkaharap na raw ang dalawa.

caricature-colored.jpg

Nagkaiyakan.

Nagkapaliwanagan.

Pero naging “matigas” daw itong si Ana.

Sa takbo ng pag-uusap kasi, siya raw ang lumabas na may kasalanan.

Kaya ang ending: Hindi raw sila nagkaayos.

Pero siyempre, pabagu-bago ang ihip ng hangin. Sa mga oras na ito, hindi natin alam kung nagkabati na ba sila? O tuloy kaya ang dedmahan nila? Tunghayan na lang ang susunod na mga pangyayari.

“Kissing scenes”

Filed under: Blind Item — admin at 7:17 pm on Tuesday, July 15, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel

Medyo takaw-isyu ang lovelife ng female celebrity na pag-uusapan natin ngayon. Mula yata noong kabataan niya ay hindi nalingid sa publiko ang kanyang buhay pag-ibig. Kahit pa hindi na ito ganun ka-aktibo sa showbiz, napag-uusapan pa rin siya at ang mga lalaking naiuugnay sa kanya.

Itago na lang natin siya sa pangalan Elen.
Blooming siya lately. Isa sa mga rason marahil ay ang lalaking nagpapatibok ng puso niya. Nakita nga siya ng isang peeping tom natin sa restaurant. Kasama daw niya itong present beau niya. Sweet na sweet daw sila at meron pang kissing scene. Kakainggit!

Maya-maya, umalis si lalaki at naiwan si Elen.

Biglang may dumating na isa pang lalaki. Nanlaki ang mga mata ni peeping tom noong nakita niyang hinalikan din ni Elen ang lalaki.

“Teka, teka, namalik-mata lang ba ako?” tanong ni peeping tom sa kanyang sarili. “Hinalikan ba talaga ni Ellen ang lalaking bagong dating? Hmmm, hindi kaya beso lang iyon? Pero hindi, eh. Medyo matagal kasi!”

kissingscene.jpg
Nang makita niya ang lalaki, mas lalong nanlaki ang mga mata ni peeping tom. Na-link din kasi ito sa aktres.

Magdadamot kami sa clue ngayon, tutal “private”person naman itong si Elen. Yun na!

“Public affair”

Filed under: Blind Item — admin at 5:44 pm on Monday, July 7, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Yas Salanga

Walang masyadong nangyayari sa showbiz ngayon pero matindi ang ipinaabot ng isa sa peeping toms natin. Actually, bulung-bulungan na ito dati pa, pero walang lumalabas pala ikumpirma ito.

Isang tao nga ang lumapit sa PEP noon at nagsabing meron siyang video na puwedeng katibayan. Pero natakot yata, kasi hindi na tumawag ulit.

Tungkol ito sa isang female celebrity na itatago natin sa pangalang Selda. May affair daw ito sa isang katrabaho?

Wala namang masama sana doon. Ang kaso, e, may asawa ang lalaki. Kahit pa sabihing “single” siya, alam ng madla na may asawa ang lalaki.

Gayunpaman, tila mas nagiging “showy” daw ang dalawa. At sa sobrang obvious, ang bulung-bulungan tungkol sa kanilang relasyon ay usap-usapan na raw.

At heto pa. Minsang nasa event daw ang dalawa, bigla raw tinawagan ni lalaki si Selda. Ang siste, katabi ni lalaki ang legal wife. Hindi sigurado ang peeping tom natin kung nagbingi-bingihan si legal wife o dahil ba sa maingay ang venue kaya dedma raw ito. Pero sa ibang tao na nasa paligid, hindi nakalampas ang pangyayari.

pepwho.jpg

Ayan, tignan natin kung kaya ng powers niyo ito! Sagot na!!!