Peeping Toms

The Commotion

Filed under: Blind Item — admin at 8:16 pm on Thursday, June 26, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Ley Bueno

Sumaglit sa hospital ang isa sa mga peeping toms natin para magpa-check up. At meron siyang kuwento:

“Nagulat ako sa nadatnan kong eksena. Ang daming bodyguards! As in marami. Ang sabi ng isa sa mga taong nasa lobby, ‘Benteng bodyguards yun, ah!’

“Napaisip ako: Sino kayang VIP ang nandito ngayon? a) GMA? b) First gentleman? c) si Erap?

“Para masagot ang sarili kong tanong, sumunod ako sa grupo ng mga matipunong lalaki. Nagtungo sila sa may ENT (Ears, Nose, Throat department).

“Sa malayo, nakita ko ang isang babae na parang pamilyar ang tindig. May inaasikaso siyang lalaki. Mukhang mag-asawa sila. Mukhang napaka-attentive noong babae sa lalaki. Biglang lumingon ang babae, nanlaki ang mga mata ko.

“Kasi, hindi siya si GMA.

“I mean, sa height, porma, at ganda, milya-milya ang layo.

bodyguards.jpg

“‘Tapos naringgan ko yung babaeng nakasalubong ko ng, ‘Medyo isnabera pala siya ‘noh!’

“Umuwi ako na may dalawang komento. Una, medyo OA ang entourage ng couple ha. Pangalawa, mukhang nagkaayos na sila ulit.”

Yun na!

Moving on…then back!

Filed under: Blind Item — admin at 5:52 pm on Thursday, June 5, 2008

Text: Rose Garcia/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Victor Abenes

Kiyeme lang pala ng young actress, na itatago natin sa pangalang Sola, na masaya at moving-on na siya mula sa kaka-break lang na relationship with young actor boyfriend, na papangalanan nating Diego. Nang malaman daw kasi ni Sola na may isa ring young atress, na tatawagin nating Lola, na nagiging malapit kay Diego, tila kinain lang ni Sola ang mga naging pahayag sa press.

Naloka daw itong si ex noong mabalitaan niya ang kumakalat na date nina Diego at Lola, na kaka-break din sa kanyang celebrity boyfriend a few months ago.

Umabot pa raw sa puntong ipinatawag na for a meeting at pinagharap-harap ang tatlo sa opisina ng boss ng talent arm nilang tatlo. Doon daw ay tila nag-break down si Sola at inaming hirap siyang makapag-move on dahil mahal pa rin niya si Diego. Tila gusto pa raw palabasin ni Sola na si Lola ang dahilan kung bakit hindi na sila naging okey pa ni Diego at hindi na rin nagkabalikan pa.

peepingtom-hulika.jpg

Supalpal nga lang daw si Sola nang sagutin siya ng bagong dine-date diumano ni young actor ng, “We’re friends.”

Samantala, imbes naman daw na flattery ang maramdaman ni young actor dahil sa ginawang pag-amin ng dating girlfriend, mas na-turn off daw ang aktor. Siyempre pa, hindi rin ma-get ng young actor kung bakit kailangan pa silang magharap-harap sa naturang meeting para lang pakinggan ang sentimyento ng dating girlfriend.

Nakadagdag pa raw sa pagka-turn-off ni Diego kay Sola ang umano’y pangungulit nito sa kanyang ina upang maya’t-maya ay tawagan ang lalaki. Nagkataon, aware rin naman pala si young actor na sa kabila nang pag-e-emote ng dating girlfriend sa harapan ng head ng kanilang management, ilang beses na rin palang nakipag-date ang si Sola sa isang baguhang aktor sa kanilang network.

Obviously, history repeats itself daw sa young actress na ito ang nangyayari sa kanya. Akala raw yata, hindi siya kayang iwanan ng mga nagiging boyfriend. Pero yun nga, bukod sa ang mga lalaki ang nagko-call ng break, madalas ay si Sola rin daw ang tila gagawa ng paraan para maibalik ang dati. But as it turned out, nagigising daw ang mga nagiging boyfriend nito at instead na makipag-balikan pa sa kanya, mas turn-off na ang mga ito sa nadi-diskubreng ugali niya.

Sino si Sola? Sino na nga ba yung nagsabing naka-move on na siya?

Sino si Diego? At si Sola?

Hay naku, basta ako, malas ako sa pag-ibig! Yun na!!!