| Register
Peeping Toms

Shocking scene

Filed under: Blind Item — admin at 6:31 pm on Friday, May 30, 2008

Text: Rose Garcia/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Victor Abenes

Muntik nang magkaroon ng aberya sa continuity taping ng isa sa mga primetime series ngayon sa isang network.  Matinding pakiusapan at kumbinsihan daw ang naganap sa isang young actress na iyak ng iyak at sinasabing hindi na siya magte-taping pang muli sa naturang series.

Nabastos umano young actress dahil sa ginawa ng kanyang leading man sa isa sa mga eksena nila, na kinunan recently lang. Halos nawindang na nga raw ang young actress dahil bukod sa buong maghapon daw ang taping, nasagad pa raw ito sa ilang ulit na love scenes at kissing scenes nila ni leading man.

Shocked talaga si young actress nang umano’y maramdaman niyang tinotoo ng actor na ka-eksena ang kissing scene nila. Masyado raw yatang nadala si leading man at kinagat pa ang labi ni young actress.

peepingtom-kagatlabi.jpg

Ang hindi lang malinaw sa Philippine Entertainment Portal (PEP) ay kung right that minute, nagpaalam na ang young actress at hindi na tinapos ang taping. Pero ang ibinulong sa amin ay yung next day taping nga nila, umiiyak at nakikiusap daw si young actress kung puwedeng hindi na siya mag-report pang muli.

Ayon sa source ng PEP, nagka-trauma raw ang young actress sa umano’y nangyari sa kanya.

Kinausap lang daw nang masinsinsinan ng manager si young actress kaya napapayag na rin ito na sumipot sa shoot location. Kung paano napapayag si young actress ay hindi malinaw sa PEP. Hindi rin malinaw kung last taping na ba ni young actress yun at gagawan na lang ng ending ang participation niya sa series. Eh, halos lahat pa naman ng scenes ni young actress, kasama ang kanyang leading man.

Sino kaya ang mga tinutukoy ni peeping tom? Kilala niyo?

HHWW

Filed under: Blind Item — admin at 2:42 pm on Sunday, May 25, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Victor Abenes

“Meron akong nakita, hindi ko sasabihin,” ang winika ng isang peeping tom natin nitong nakaraang araw.

“Bakit naman ayaw mong sabihin?” ang tanong namin.

Tumahimik lang siya.

Todo-todong pagpipilit ang ginawa namin bago napakuwento itong si peeping tom.

Nakita daw niyang magka-HHWW itong sina young actor at female celebrity. Sa pagsasabing HHWW, ang ibig niyang sabihin ay “holding hands while watching.”

Oo, kasi nanood ang dalawa ng isang dress rehearsal at sweet na sweet daw sila.

Hmmm, hindi naman bago sa showbiz ang PDA noh!

Pero heto ang catch: ang dalawang nakita niya na sweet na sweet ay mga sikat!

peepingtoms-holding.jpg

Are they already an item? Or are they just friends, but they just happen to be sweet people? Or are they just preparing for their upcoming movie?

Yun na!

Aberya sa parada

Filed under: Blind Item — admin at 3:48 pm on Friday, May 16, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Yas Salanga

Nasaksihan niyo ba yung most recent na Santacruzan?

Talaga namang nagningning ang buong kalye dahil sa naggagandahang mga artista na suot ang kanilang magagarang damit.

Enjoy na enjoy nag mga tao sa panood kahit pa muntikan na itong hindi matuloy dahil sa ulan.

Pero lingid sa kaalaman ng publiko, medyo nagkaroon pala ng aberya sa pagitan ng kampo nina Reyna Elena at Reyna Emperatriz.

Sa programa raw kasi, nakasaad na si Reyna Elena ang huli sa parada.

Pero sa nakaugalian naman ng mga Pinoy, si Reyna Emperatriz daw dapat.

Mga ilang minuto rin siguro na nagkaroon ng debate kung sino dapat ang mahuli sa dalawa.

peeping-toms.jpg

Ang ending: Si Reyna Emperatriz ang huli sa parada!
Say ng isa sa mga peeping toms natin, “Hindi naman kasi mababago ang tradisyon.”

Say naman ng isa pa, “Kalokah! Hanggang sa santacruzan, may billing?”

Hindi na kami magbibigay ng clue. Kung masugid kayong nagbabasa ng PEP, malalaman niyo kung sino ang dalawang reyna na ating tinutukoy.

Dedmahan Blues

Filed under: Blind Item — admin at 10:42 pm on Friday, May 9, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Victor Abenes

Katatapos ko lang mapanood ang station I.D. ng isang malaking television network. Matagal na raw nagsimulang umere ito, pero dahil sa pagiging abala ko sa paghahanap ng peeping toms ay ngayon ko lang siya napanood.

Ang saya-saya nila! Para tuloy gusto kong sumama sa kanila. Para silang nakatira lahat sa iisang bubong. Para silang isang buong pamilya na pare-parehas ang saloobin ng puso.

Yun nga lang, taliwas ito sa ibinulong ng isang peeping tom sa akin. Nakita daw niya kasi ang dalawang young female stars sa isang event noong isang buwan pa, at medyo nagulat siya sa inasal nila sa isa’t isa.

Kausap ni peeping tom at iba pang mga kasamahan sa media si Female Star 1, na papangalanan nating Amy. V

Makalipas ang ilang minuto ay napadaan si female star 2, na itatago natin sa pangalang Ana, kasama ang isa pang kaibigan na artista rin.

Heto ang ipinagtaka ng peeping tom, hindi nag-smile si Amy sa dalawa at si Ana naman ay nag-make face pa. In short, tila nagdedmahn sina Anna at Amy kahit pa nagtatrabaho sila sa iisang network. Parang hindi magkakakilala.

Hahayaan na sana ni peeping tom, tutal never naman sila nagkasama sa iisang project, subalit paano maipapaliwanag ang make-face drama ni Ana?

pepwho.jpg

Gusto niyo ng clues?

Si Ana ay hindi lang isang beses napabalitang nagmaldita.

Si Amy naman ay madalas apihin.

Bakit kaya may dedmahan blues? Hay naku, huwag na nating isipin ang sagot diyan at baka umulan ng bonggang-bongga. Yun na!