| Register
Peeping Toms

No Press Allowed

Filed under: Blind Item — admin at 3:55 pm on Thursday, April 24, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Yas Salanga

Sa buhay ng isang artista, hindi maipagkakaila ang malaking papel na ginagampanan ng press at media. Bukod sa exposure sa mga shows, importante rin kasi na pag-usapan ka ng mga tao para mas lalo kang magiging popular. Kaya nga’t parating merong press conferences, kung saan karamihan sa mga showbiz editors at reporters ay iniimbita. Para i-promote ang isang movie or show or baguhang artista, kailangan ng buzz or kahit anong publicity.

Minsan, tila nakakalimutan ng iba kung ano nga ba talaga yung mundong pinapasukan nila. May mga nagtatago sa press. May nagsusuplada sa media.

Tulad na lang nitong isang female celebrity na itatago natin sa pangalang Ditas. Hindi mawari kung imahe nga lang ba niya ang pagiging “pasaway” o talagang ganun siya sa totoong buhay.

Namataan daw ng mga showbiz reporters itong si Ditas sa Boracay at tinanong kung pwede siyang interbyuhin. Ang sagot daw niya, “para saan?” At noong sabihin kung saan ilalabas ang interbyu, sinabi ng baguhang aktress na magpaalam muna sa handler niya.

blind-item.jpg

Medyo naimbiyerna lang ang mga nakasaksi. Kasi nga, bakit naman siya nag-inarte, eh, siya na nga itong gagawan ng writeup. Ayun tuloy, pinaringgan siya ng ilang beteranong reporters, “Akala mo kung sinong sikat!”

At kung halimbawa man na ganun ang bilin sa kanya ng handler, sana naman ay sinabi niya nang maayos.

Kung sabagay, kilala naman talaga itong si Ditas na “pasaway.” Pero hindi pa rin yun excuse para mang-isnab siya.

Hindi naman natin sinasabing dapat maging mabait parati ang artista sa press at media dahil sa publicity na pwede nilang makuha. Ang punto lang: Ang mga mababait, malayo ang nararating.

Sino siya? Sabi ng mga showbiz reporters na nandun, dedma na!