| Register
Peeping Toms

Sister, heater nga!

Filed under: Blind Item — admin at 12:47 pm on Tuesday, March 18, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

Sa showbiz, naglipana ang mga divas. Merong mga tinatawag na diva dahil nagpamalas sila ng kagalingan sa larangan na kung saan sila’y nakilala. Meron namang diva-divahan lang na kahit wala naman talagang ibubuga ay medyo mahirap pakisamahan. Meron din namang mga diva na primadonna rin.

Mahirap ipaliwanag pero iba talaga ang nagagawa ng kasikatan sa ibang artista. Masilawan lang ng ilaw o mahiyawan ng mga tagahanga, inilalagay na ang sarili sa pedestal.

Hindi na rin bago ang mga kuwentong nag-inarte o magmaldita si celebrity sa set o shoot. Minsan, hindi na natin alam kung alin sa mga bulung-bulungan ang totoo. Gaya na lang ng naikuwento ng isa sa mga peeping toms natin.

peepingtoms.jpgSa isang pictorial daw ito naganap.

Sinabihan daw si celebrity na ang call time ay ganitong oras. Dumating naman siya. Pero ang siste, dumating siya 12 hours after ng kanyang call time. Yung tipong magpa-pack up na sana ang crew. Kaya ang ending, eh, natapos ang pictorial ng madaling araw.

At hindi riyan natatapos ang kuwento. Bigla raw naghanap ang celebrity ng heater kasi gustong maligo. So kandaugaga ang mga naroon sa paghahanap. Napagbigyan naman siya sa kanyang request. Yun nga lang, hindi naman siya naligo. Marahil nagbago ang isip ni celebrity.

Iyan ay naikuwento sa ating peeping tom ng kaibigan ng kaibigan ng isa sa mga nakasaksi mismo. Gusto niyo ng clue? Hmmm, huwag na lang. Pramis, hindi kayo mahihirapang hulaan kung sino siya.