Peeping Toms

Ms. Simangot?

Filed under: Blind Item — admin at 11:23 pm on Thursday, January 24, 2008

Text: Noel Orsal/ Illustration: Rommel Llanes

Marami na kaming na-experience at narinig na kuwento dito sa showbiz tungkol sa mga artistang gagawin ang lahat para lamang sumikat at makilala sa industriya. Yung iba, nagbabait-baitan sa simula pero lalabas din pala ang totoong kulay kapag nakuha na ang minimithing kasikatan. Yung iba naman, bigla na lamang nagbabago ang ugali.

Upang makilala at magkaroon ng mga proyekto, ang iba ay lumalapit sa media at press. Yung iba ay nagbibigay ng mga press releases at pumapayag sa mga pictorials para sa mga magazines, tabloids, at maging sa internet. Yung iba naman ay pumapayag na makita sa telebisyon o marinig sa radyo nang libre.

At kapag ito ay nagbunga, sunud-sunod na project na ang kanilang matataggap. Sisikat sila at pipirma sila ng mga kontratang nagkakahalaga ng milyun-milyon.

Kamakailan ay naging usap-usapan sa isang umpukan ng mga reporters ang isang female star na kasalukuyang parte ng isang telenobela.

Napunta sa kanya ang usapan nang magpakuha ng souvenir photo ang ilang reporters with this friendly celebrity, na umakyat pa para batiin ang press.

Ang kuwento ng isang writer, ito raw si female star, na itatago natin sa pngalang Ana, ay naimbitahan ng isang malaking publishing group para sa pictorial at sinipot naman daw niya ito. Siyempre pa, dahil sikat nga siya, excited ang mga empleyado na makita sa personal itong si Anna.

Ang ginawa raw ng mga empleyado ay naghintay at pumila para makapagpakuha ng litrato kasama ang kanilang iniidolo. Ikinagulat naman ito ni female star, at sinabihan daw ang isa sa mga kasama sa loob ng studio na ayaw niyang magpakuha ng litrato. Ang siste, may mga empleyadong nakarinig sa tinuran ni Ana.

Pero kinumbinsi pa rin ng mga kasamahan nito na pagbigyan ang mga naghihintay sa kanya.

peeping-tom.jpgNagpaunlak naman si Ana, kitang-kita raw talaga sa mukha nito na nakasimangot at hindi man lang daw ito ngumiti.

Sabi tuloy ng mga empleyado, “Ang suplada naman niya. Sana sinabi na lang niyang masama ang pakiramdam niya o ayaw niyang magpakuha para hindi na kami naghintay.”

Bakit nga ba siya nagsuplada? Hmmmm.

Hindi kaya pagod siya? Kasi ang sabi naman ng iba, makulit daw at usually ay bubbly naman si Ana kapag kaharap ang mga fans niya.

Anyway, ang masasabi lang namin, mahirap talaga ang maging artista. “Much is given, much is required.”

O, kilala niyo kung sino si Ana?

Alibi guy

Filed under: Blind Item — admin at 10:55 pm on Wednesday, January 16, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

Showbiz is indeed full of surprises.

Maya’t maya, may bagong balita. May nabuntis, naghiwalay, nag-away, nagkasagutan, nagkasakitan—iyan ang mga totoong drama ng buhay!

Gaya na lang nitong ibinahagi ng ating dalawang peeping toms. Very timely!

Naalala niyo, maraming nagkaroon ng celebration during the first few weeks of January, hindi ba? Well, karamihan sa kanila ay nagkaroon ng concert. Yung isa, na itatago natin sa pangalang Anita, ay hindi sinipot ng kanyang kaibigan, na papangalanan nating Omar. Ito ay ayon sa ating peeping tom #1.

Ang dahilan daw ni Omar ay hindi siya pinayagan na umalis sa kanilang taping at medyo gabi na rin daw noong nag-pack up sila.

Okay na sana…ang siste, nagdahilan lang pala si Omar.

Noong oras ng concert kasi ni Anita, namataan si Omar ni peeping tom #2 sa isang coffee shop sa Katipunan, kasama ang kanyang leading lady. Akala niya ay may taping ang dalawa, pero malaman-laman niyang wala pala. May koneksiyones kasi si peeping tom #2 sa showbiz at may nakapagsabi sa kanyang nasa Taguig ang leading lady ng young actor.

pepwho.jpg

Teka, teka, sino ang kasama ni Omar?

Hindi na lang namin sasabihin at mabibisto niyo na kung sino ang ating tinutukoy. Basta, noong nakita si Omar at ang kasama nito sa coffee shop, napasigaw ang ating peeping tom ng, “Claraaaaaaaa!”

At kung mabasa ito ng ex-girlfriend ni Omar, tiyak na hahagulgol ito. Yun na!

Mr. Tawad

Filed under: Blind Item — admin at 5:38 pm on Wednesday, January 9, 2008

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

Ang pagiging isang celebrity, maraming perks. Nariyang bigyan ka ng V.I.P. treatment sa mga establishments, at padalhan ka ng mamahaling freebies ng mga endorsers. Okay lang naman siguro ito since the mere presence of a star in a store, for example, can attract a multitude of potential customers. Hindi ba’t kapag nalaman mo na suki sa ganitong boutique ang idol mo, gusto mo ay doon ka rin mamili?

Ang hindi lang okay ay kapag napasobra ang pagiging diva ng ilang mga artista. Noon nga, may napabalitang isang TV personality na ayaw raw magbayad ng credit card kasi sikat daw siya. Meron namang nag-party sa isang bar with friends, umalis na lang basta-basta. Meron ding nagalit kasi ayaw daw ilibre ang mga pinamiling damit. Maraming ganyang kuwento sa showbiz. Minsan nga, hindi mo na alam kung ano ang totoo sa imbento.

peepingtom-doctor.jpg‘Etong maikling kuwento ng isang peeping tom, kayo na ang bahalang humusga kung totoo o imbento. Tungkol ito sa isang modelo na maituturing na ring showbiz personality. Maikli lang ang kuwento:

Late last year ay na-confine siya sa isang prestihiyosong ospital dahil sa dengue. Nagkaroon siya ng nosebleeding kaya isang main physician ang tumingin sa kanya para humupa ito. Noong bumuti na ang kanyang kalagayan, natural, e, idi-discharge na siya.

Inabot ang kanyang hospital bills, at nagulat ang staff sa reaksiyon ng modelo. Namahalan daw siya sa professional fee ng doctor, na ibinase sa klase ng room na inokupahan ng nasabing modelo, kaya humingi ito ng 90% discount. Nagtaka na nainsulto raw ang doctor sa ginawang pagtawad ng modelo, kaya imbes na makipag-debate pa ay napilitan na lang ang huli na magsabi ng, “Libre na nga.” Kaya ayun, nalibre si modelo.

Masyadong obvious kung magbibigay ng clues kaya huwag na lang. Basta ang nasabi lang ng iba pang nakarinig ng kuwento, “Kaya pala iniwan ng asawa, e, feeling.” Yun na!