| Register
Peeping Toms

“I don’t like” newbie

Filed under: Uncategorized — admin at 2:02 pm on Sunday, November 18, 2007

Text: Noel Orsal

Illustration: Rommel Llanes

Kamakailan ay dumalaw kami sa kaibigan na connected sa isang magazine. Nakita namin sa kanyang computer ang latest blind item ng Peeping Toms sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kaya naman ang bati ko sa kanya ay, “Nagbabasa ka pala ng blind item? Nakita mo na ba yung isinulat ko dýan?

Sagot niya, “Ah, meron ka bang isinulat dito?”

“Oo,” ang sabi ko. “Kaya lang natabunan na. Ang dami na kasing bago.”

‘Di pa raw niya nakikita kasi first time niyang silipin ang blind item corner. Tinanong din niya kung sino iyong dalawang babae sa “Back-stabber.” Sinabi ko naman ang sagot, kaya natawa na lang siya. Nagka-ideya tuloy siya na ikuwento sa amin ang naging karanasan nila sa isang Newbie na kinuha nila para gawing window cover ng kanilang magazine.

pic.jpg

First time daw nilang inimbita ang tinutukoy po naming Newbie para sa cover ng magazine at malugod naman silang pinaunlakan nito. Ang pictorial at interview ay ginanap sa studio ng isang photographer.

Ang siste, naging masikip daw sa studio. Bukod kasi sa tatlong staff ng naturang magazine, kasama pa ang make-up artist, photographer at assistant photographer, nagdala pa ng tatlong kasama si newbie. Tuloy, pinaghintay na lamang sila sa labas. Pero hindi naman yun ang naging problema dahil marami namang food.

Ang unang napansin nila ay parang kiti-kiti daw itong si Newbie dahil panay daw ang ikot sa masikip na studio.

Ang pangalawa nilang napansin ay Inglesera pala siya at may pagka-sosyal.

At ang pangatlo, may pagka-prangka na diva na ewan ang young star. Noong interbyuhin siya kasi, maraming hindi sinagot itong si Newbie. Ang dami pa man ding questions na inihanda yung writer.

Favorite line daw ni Newbie ay, “I don’t like your question,” or “I don’t want to answer your question.”

Napapayuko o napapatalikod na lamang itong manunulat ng magazine kapag ganito ang isinasagot ng young star.

At huli na noong nalaman ng writer na nag-interview kay Newbie na kapag tumatalikod pala ang una ay nagme-make face daw ang bida. Kung nasabi lang ito kay writer habang nasa studio pa sila ay baka nag-walk out daw ito.

Ang sarap sabihan ni Newbie ng “I don’t like you!” ‘no!

Anyway, magiging maramot tayo sa clues, tutal suki naman siya ng blind items lately.

Secret lovers?

Filed under: Uncategorized — admin at 3:28 pm on Friday, November 9, 2007

Text: Trish Alvarez

Illustration: Rommel Llanes

Mukhang ipinanganak yata akong lapitin ng showbiz tsismis. Kahit wala akong gawin, biglang may mga peeping toms na sumusulpot para magkuwento ng kung anu-ano tungkol sa mga idolo niyo.

Kagaya kahapon. Nasa planning session ako nang biglang isiniwalat nitong si Girl 1 ang tungkol sa dalawang artista na diumano’y “secret lovers.” Sumali pa itong si Girl 2 at may alam din daw siya.

peepingtoms.jpg

Credible sources ang mga ito kaya dali-dali kong kinuha ang aking ballpen at isinulat ang mga detalye.

Sabi ni Girl 1, totoo daw na may “affair” itong si Lalake at Babae. Kahit i-deny nila nang paulit-ulit ang mga write-ups, mas maugong daw ang mga kuwentong naririnig niya tungkol sa sweetness ng dalawa. Kung kayo ay magkatrabaho o magkaibigan lang, tama bang i-text ni Babae si Lalake ng, “Dito ka ba uuwi?”

At hindi lang iyon, may larawan pa raw ang dalawa sa cellphone nitong si Lalake, na buong pagmamalaki naman niyang ipinapakita sa ilang malalapit na kaibigan nito.

Sabi ni Girl 2, agree siya na may “affair” nga ang dalawa. Kahit daw sa probinsya ay nakikitang magkasama daw ang dalawa. Parati daw naka-reserve ang isang suite para sa kanila sa tuwing nagagawi sila doon.

Sabi ko naman, baka promo lang ito kasi ilang beses na ring tinanong ng press ang dalawa pero deny-to-death sila.

Kayo, ano sa tingin niyo? Promo o tooto?

The “back-stabber”

Filed under: Uncategorized — admin at 8:36 pm on Tuesday, November 6, 2007

Text: Trish Alvarez

Illustration: Rommel Llanes

Kung ikaw ay nasa mundo ng showbiz, aakalain mo na mas madali ang humanap ng totoong kaibigan dahil nga sa popular ka. Pero hindi ito ang madalas na mangyari. Dahil nga sa popular ka, kailangang piliin mo ang mga taong tatawagin mong kaibigan. Uso kasi ang gamitan at plastikan.

Kagaya na lang nitong dalawang magkaibigan na itatago natin sa mga pangalang Estelita at Estrella. Bukod sa nagtatrabaho sila sa iisang bakuran, nagkakasama pa silang magbakasyon sa iba’t ibang lugar. Ganoon sila ka-close.

peepingtoms.jpg

Ang siste, itong si Estelita pala ay nagkakalat ng kung anu-ano tungkol kay Estrella. Baka nga walang kamalay-malay itong huli dahil dumadaldal itong si Estelita sa mga taong wala sa circle of friends ni Estrella. Pero ang balita, parang apoy na mabilis kumalat, kaya nga nakarating ito sa kaalaman ng isa sa mga Peeping Toms.

Sa isang meeting daw, bigla na lang nagkuwento itong si Estelita ng tungkol sa mga financial problems kuno nitong si Estrella—na kesyo naghihirap na raw ito, na kesyo hindi raw secure ang future nito at ng mga anak. Hindi lang iyon, naikuwento pa nitong si Estelita na tuwing araw ng suweldo ay nauubos daw ang sahod ng “partner” ni Estrella dahil sa mga anak. Nakapila at naghihintay daw ang mga ito sa labas ng set. Ang akala ng publiko ay nakahiga sa pera si Estrella, pero pinabulaanan ito ni Estelita.

Pagtuunan na lang natin ng pansin si Estelita. Sino kaya siya? May ideya ka ba?

Kaya sa mga artista, maging maingat sa pagpili ng kaibigan. Ika nga ng Irish novelist and playwright na si Oscar Wilde, “A true friend stabs you in the front.”