| Register
Peeping Toms

The Borrower

Filed under: Uncategorized — admin at 4:42 pm on Tuesday, October 30, 2007

Text by Rose Garcia

Illustration by Rommel Llanes

 

Kahit pa noong nasa isang reality-based show pa itong si Female Star ay imbiyerna na umano ang iba niyang kasamahan sa kanya. Mga ilang isyu na rin ang naglabasan tungkol sa hindi kagandahang attitude ni Female Star.

borrower.jpgPero kamakailan lang, dalawang young stars ang hindi na rin nakatiis na ikuwento ang hindi magandang encounter nila sa Female Star.

Ugali nga raw niya ang manghiram. Ang kanyang madalas daw na linya ay, “May I borrow this and that…” lalo pa kung kasama siya sa isang production number. Pero okay lang naman siguro ang manghiram. Ang hindi okay ay yung hindi mag-soli.

Biktima #1 ay isang actress na may Chinese blood. Hiniram daw ni Female Star ang kanyang bonnet, na hindi naman niya ipinagdamot, dahil ang claim nga raw ni Female Star ay naiwan sa house ang sa kanya.

Naisalang na raw si Female Star at natapos na ang production number, pero naloka na lang si Biktima #1 dahil ni ha, ni ho ay walang binabanggit sa kanya si Female Star tungkol sa hiniram niyang bonnet. Magkasama pa raw sila sa dressing room. Noong pauwi na raw si Biktima #1 ay hindi na niya nahagilap si Female Star at ang kanyang bonnet.

Ang ending, e, si Biktima #1 pa ang naghanap. Nakita niyang nakasuksok na lang sa kung saan sa dressing room ang kanyang bonnet. Hindi maiwasang mainis ni Biktima #1 dahil sa bukod sa ginamit at napawisan ang bonnet niya, hindi man lang naisoli sa kanya ng maayos.

Biktima #2 ay medyo alam ang may-I-borrow-this-and-that attitude ni Female Star. Production number daw nila sa isang noontime show noong hiniraman siya ni Female Star ng boots. Sweet at persistent daw siya kapag nanghihiram kaya napilitan itong si Biktima #2 na pumayag. Isa pa, hindi siya makaapuhap ng tamang salita or paraan para hindi-an si Female Star.

Pero ang siste, tapos na ang production number ni Female Star at matatapos na rin ang show, hindi lang ang boots ang nawawala, kundi maging si Female Star. Hindi na raw kasi siya nagbalik sa dressing room nila after ng kanyang production number.

Halos mahilo raw si Biktima #2 sa kakahanap sa boots niya sa iba’t ibang dressing rooms. Tinatawagan daw niya si Female Star pero hindi nito sinasagot ang kanyang cell phone.

Nawindang si Biktima #2 nang makita ang hinahanap sa wardrobe department. Dialogue daw ni Biktima #2, “Boots ko ‘to ah! Paano napunta dito?”

Sagot daw ng taga-wardrobe sa kanya, “Si Female Star po ang naglagay dito. Tinatanong nga po namin kung bakit iniwan yung sapatos niya, pero hindi po sumagot.”

Ayon pa sa mga kuwento, marami nga raw talaga ang hindi “feel” si Female Star. Bukod sa mahilig manghiram at hindi marunong magsoli at magpasalamat, kahit daw sa utangan ay magaling din daw siyang magpalusot.

Sa totoo lang, sayang si Female Star kung hindi babaguhin ang mga ugaling kinaiinisan ng kapwa niya artista. Kung magpapatuloy ang kanyang pagiging borrower, saan kaya siya manghihiram ng mukha na ihaharap niya sa iba pang mabibiktima niya?

Medyo mahirap ano? Sige na nga, magbibigay ako ng clue:

1. Si Female Star: Mahal siya.

2. Si Biktima #1: Maputi siya.

3. Si Biktima #2: Maliit siya.

Hambog

Filed under: Uncategorized — admin at 12:31 pm on Thursday, October 25, 2007

Text by Noel Orsal

Illustration: Rommel Llanes

Noong Lunes, ika-15 ng Oktubre, ay nakipagkita ako sa mga kakilala sa industriya sa isang coffee shop sa Tomas Morato. Dahil sa matagal na rin kaming hindi nagkita-kita ay napasarap ang aming kuwentuhan.

Marami kaming napag-usapan tungkol sa magulong mundo ng showbiz. Pero naging interesante ang lahat nang mabaling ang topic tungkol sa isang TV host. Asar na naikuwento kasi sa amin ng isa sa grupo ang nangyari sa pictorial na pinuntahan niya.

hambog.jpg

Tila masama yata ang araw kasi nung celebrity dahil mainitin ang ulo. Hindi naman nila alam ang dahilan kaya’t hindi na lang nila ito pinapansin.

Matagal na rin daw nilang nakita ang malaking pagbabago ng ating tinutukoy mula nang maging abala siya sa isang TV show. Marahil, may kinalaman din prin sa sunud-sunod niyang projects at recording album.

Sa naturang pictorial, na ginanap sa loob ng building ng isang TV network, ay may iniutos daw itong si host sa mga production assistants. Dahil sa mabagal nilang pagkilos ay nagalit diumano ito sabay-sabing, “Ano ba!!! Ang babagal ninyo, kaya hindi kayo umaasenso, e.”

Napatahimik na lang sila sa sinabi ng host. Ang iba ay hindi mapigilang magsabi, kahit pabulong, ng, “ang yabang.”

Hindi ito ang unang beses na nakarinig ako ng pagmamaldito ng nasabing host. Suki nga siya ng blind items, eh. Dati pa, nakabasa ako ng pagmamayabang niya umano sa isang babae. Naganap ito noong magpunta sila sa Amerika para mag-show. May nilapitan daw na babae itong si host at inaya raw na sumama sa show. Pero hindi kumagat ang babae sa paanyaya kaya singhal ang inabot niya sa host, “Hindi mo ba ako kilala?” Hindi naman daw kumibo ang babae.

Maya-maya, may dumating na isang limousine at bumaba mula rito ang lalaki. Ang asta daw nito sa host, “Why, is there any problem?” Bigla na lang daw natulala ang huli at nagpamasahe tuloy sa kasama.

O, nakikilala niyo na ba siya?

Part 2: Meet the Celebrity Housemates

Filed under: Uncategorized — admin at 4:34 pm on Thursday, October 11, 2007

Text by Noel Orsal

Nitong October 9 sa Chronicle room ng ABS-CBN sa 14th floor ay ginanap ang presscon ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Dumating ang mga hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez at ang PBB season 2 winner na si Beatriz Saw, na siyang magsisilbing official “kuyarazzi” para sa PBB updates.

Ayon kay Direk Lauren Dyogi, ang business unit head ng programa, magsisimula na raw ang PBB celebrity Edition 2 sa darating na Linggo, October 14, sa ganap na alas-diyes ng gabi.

Sinabi rin ni direk na mas lamang ang mga babae kaysa sa mga lalaki, at sa kabuuan, merong 13 housemates na papasok sa Bahay ni Kuya. Dagdag pa niya, mahigit 20 ang kanilang nasa listahan at ang iba ay magiging reserve.

Matutuwa rin daw ang mga celebrity housemates dahil from “back-to-basics” theme last year at a la-Hollywood ang look ng Bahay ni Kuya.

Sa kalagitnaan ng presscon ay ipinakita sa press people ang ginawa nilang video ng mga celebrity housemates na papasok. Mistulang guessing game ang nangyari dahil kung sino sa mga press ang makahula ng kahit na lima na may kaukulang premyo.

Bagama’t parte lang ng katawan at kaunting information sa bawat housemate ang ipinakita ay marami pa rin ang nakahula. Kahapon, pinahulaan natin ang mga female housemates, tignan natin kung magiging madali sa inyong hulaan kung sino naman ang mga male housemates.

1. Dati na siyang talent ng Star Magic na naging parte ng isang teen-oriented show. Ngayong taong ito, muling lumitaw ang kanyang pangalan sa press dahil sa pagkakasangkot niya umano sa isang gulo.

2. Extreme sports naman ang hilig nitong pangalawang housemate. Sa katunayan, kilala siya sa larangan ng Taekwondo. May kapatid siyang artista.

3. Ramp at image model naman itong isa at kung madalas kayong mapadpad sa kahabaan ng EDSA, makikita ninyo ang malaking billboard niya na naka-boxer briefs.

4. Eto namang isa pang hunk at ramp model ay talent din ng Star Magic.

5. Ito yung isa sa mga pinakamadaling nahulaan ng press sa video. Kahit pa ito ay nakatalikod, batid mong skinhead siya at moreno. Napatili ang mga girls nung rumampa siya sa Cosmopolitan Bachelor Bash.

6. Ang huli ay lead singer at dating miyembro ng isang disbanded group.

Part 1: Meet the celebrity housemates

Filed under: Uncategorized — admin at 12:18 pm on Wednesday, October 10, 2007

Text by Noel Orsal

Noong ika-8 ng Oktubre, nanggaling ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ni Aga Muhlach para sa kanyang bagong sport cup, ang 1st Muhlach Cable National Wakeboarding Cup, na gaganapin sa Calatagan, Batanggas, sa darating na ika-20 ng Oktubre.

Tamang-tamang pabalik na kami sa office ay namataan namin ang mga sasakyan ng ABS-CBN Pinoy Big Brother sa may ‘di kalayuan sa Annabel’s Restaurant, kung saan naganap ang presscon ng pinuntahan namin.

Sa Cabin Bar on Tomas Morato, nakaparada ang ilan sa nasabing mga sasakyan, kung kaya’t naghinala ang PEP na mayroong shooting o taping na nagaganap sa nasabing bar. Nakabalot ng itim na tela ang kanilang glass wall at glass door kung kaya’t napaisip kami lalo kung bakit kailangang isikreto ang nagaganap na shooting doon.

Ang sumunod na ginawa namin ay nag-ala-Peeping Toms. Sumilip-silip sa naturang lugar at nagtanung-tanong na rin sa mga tao sa paligid hanggang sa namataan at nakalap namin ang aming hinahanap—ang nasa loob ay ang mga housemates ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 2007.

Hindi pa nailalabas ang final list kaya sa ngayon, maglaro muna tayo ng guessing game. Unahin natin ang mga female housemates.

1.) Ang unang housemate ay dating Kapuso. Lumipat siya sa ABS-CBN dahil natapos na ang kanyang daily show, kung saan kasama nya yung isang morenong host. Ang kanyang co-host ay may dalawang game shows ngayon sa kabilang istasyon.

Madali lang ito, di ba?

2.) Eto namang isa ay kalilipat lang sa bakuran ng Kapamilya network ngayong taon. Maganda siya at maganda rin ang kanyang kapatid. Happy na siya ngayon dahil mas madalas na niyang makita ang kanyang kapatid.

3.) Ang dalawa pang babae ay galing sa show ni Kris Aquino na Kapamilya: Deal or No Deal. Pakaisipin niyo na lang mabuti kung sino sa 26 girls ang papasok sa Bahay ni Kuya.

4.) May dalawa ring beauty queens, at ang isa ay naging cover ng FHM this year.

5.) At ang isa pa ay may asawa na at sumikat dahil sa Bagets.

Sa susunod, hulaan naman natin ang male housemates.