| Register
Peeping Toms

Prima donna na aktor

Filed under: Uncategorized — admin at 3:07 pm on Tuesday, July 17, 2007

Text by Pilar Mateo

 

Kung sa husay at husay rin lang sa pagganap, no questions asked, hindi matatawaran ang kakayahan ng aktor na ito. Kahit yata ano pang klase ng papel ang ipagawa mo sa aktor ay magagampanan niya nang buong husay, siguradong mano-nominate siya sa mga award-giving bodies at sigurado ring makakakuha siya ng award.

But one thing na hindi ma-take ng manager ng aktor ay ang attitude nito.

Ilang beses na kasing naging sakit ng ulo ang aktor, hindi lang ng kanyang manager kundi pati na rin ng production ng TV at pelikula.

Minsan namang i-reinvent nito ang sarili para may iba namang makaluguran ang mga manonood sa kanya, umariba pa rin ang pagbibigay nito ng sobrang importansiya sa kanyang sarili.

Kasi nga, dahil kasama na siya sa isang grupo na nagsu-show sa iba’t ibang lugar at umaabot na ang invitations nila pati sa mga malalayong probinsiya, nakamarka naman daw sa utak ng aktor ang pagiging mas mataas ng level niya sa mga kasamahan niya.

Imadyinin n’yo naman itong isang scenario: Kailangan nilang mag-show sa isang hindi kalayuang lugar. Pero alam n’yo ba kung ano ang drama ng mahusay na aktor? Mas gusto raw nitong tawagan siya ng kanilang handler kung kumpleto na ang kanyang mga kasama sa nasabing grupo at saka siya darating sa kanilang show.

Kung babae siya, isa siyang prima donna, no less. O kaya ay nagdi-diva-diva-han.

Nakakahinayang ang talento ng aktor na ito kaya pasulput-sulpot na lang. Malaki pa rin ang katawan niya, hunk pa rin ang dating, pero hindi maikakailang humahabol na rin ang Bill Blass niya sa tiyan.

E, saan pa ba siya ilalagay ng manager niya?

Kapit Sa Patalim

Filed under: Uncategorized — admin at 11:24 am on Tuesday, July 3, 2007

Text by Eric Borromeo

Mahina ang raket sa showbiz ngayon kaya ang young actor na ito ay natutong kumapit sa patalim para matustusan ang kanyang personal na mga pangangailangan.

Nagkita sa isang birthday party ang young actor at ang isang talent manager. Nagkasarapan ng kuwentuhan ang dalawa, kaya manaka-naka lang kung sila ay magkahiwalay sa naturang patitipon. Habang lumalalim ang gabi, patuloy pa rin ang pagiging close ng dalawa.

Panandaliang naglayo ang dalawa at nakipagkuwentuhan sa ilang guests sa party. Pero naging abala naman silang pareho sa pagpindot sa kanilang cell phone. Nagkabigayan na pala ng number ang young actor at talent manager. At kahit halos magkalapit lang sila, nagte-text pa sila sa isa’t isa.

Nagpaalam na ang talent manager sa birthday celebrator. Ilang sandali pa, nagpaalam na rin ang young actor. At ayon sa ilang nakakita, magkasamang umalis ang dalawa na nakasakay sa kotse ng talent manager.

Isang mahaderang baklitang reporter ang nagpatutsada: “Nagkatawaran na. Bumigay sa halagang five kiyaw!”

Tsk…tsk…

Sayang ang morenong young actor kung hindi ito mabibigyan ng projects ng kanyang network. Baka masanay na ito sa pagkapit sa patalim at kung kani-kaninong talent manager na lang magpa-manage.