| Register
Peeping Toms

The Revenge

Filed under: Uncategorized — admin at 7:05 pm on Friday, June 22, 2007

Text by Pilar Mateo

 

Ibang klase raw palang maghiganti ang isang singer-comedienne. Kahit ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin pala ito basta nakakalimot sa mga akala niya ay mabigat na atraso, kahit na hindi naman siya directly ang involved.

 

Sa kaso ng singer-comedienne, ang pinsan niyang dating miyembro ng isang banda ang naalis o natanggal sa pagiging band member. Kaya nang bumalik daw ang singer-comedienne sa nasabing bar sa isang probinsiya, nagpakitang-gilas ito sa kanyang mga kasamang mga komedyante rin.

 

Ang dating banda ng pinsan ng singer-comedienne ang naka-set that night. Nagpasikat ang komedyana nang umakyat ito sa stage para maki-jam. Pinagbibigyan ng tig-iisang libo ang bawat miyembro ng banda habang sinasabi sa mga tao ang pagpapalayas o pagpapatalsik na ginawa ng mga ito sa pinsan niya. Na siyempre, malay ba ng mga tao kung ano ang dahilan kung bakit naalis ‘yon sa trabaho niya.

 

Gumawa raw talaga ng eksena ang singer-comedienne. Minaliit daw nito nang husto ang members ng nasabing banda. Nanliliit naman daw sa kahihiyan ang mga miyembro ng banda dahil hindi nila akalain na gagawin ‘yon ng isang gaya niyang may pangalan na.

 

Muntik na rin daw magkagulo sa labas ng nasabing bar nang humantong sa sagutan, murahan, at kung anu-ano pang palitan ng masasakit na salita sa pagitan ng singer-comedienne at band members. Naawat naman si singer-comedienne nang may mga pulis na umaligid sa nasabing bar.

 

Pinsan pa lang niya ‘yun, ha? What more kung kapamilya o kapuso na niya ang involved o mismong ang sarili na niya?

Under the “Spirit”

Filed under: Uncategorized — admin at 7:05 pm on Friday, June 22, 2007

Text by Ambet Nabus

 

May isang award-winning actor na minsan ay um-attend ng isang party ng isang kaibigang taga-showbiz din.

 

Palibhasa’y mga close friends lang ang naroroon, inabot ng madaling-araw ang aktor dahil nag-enjoy ito sa pakikipag-usap sa isang sikat na female TV personality.

 

Hangang-hanga ang aktor sa katalinuhan ng TV personality at sa husay nitong magpaliwanag ng mga bagay-bagay, lalo na sa pulitika at sa usaping sex.

 

Nang mag-uuwian na ay nagprisinta ang aktor na siya na ang maghatid sa TV personality. Palibahasa’y groggy na rin ang TV personality, pumayag na ito.

 

Habang inaalalayang ihatid ni aktor ang TV personality sa sasakyan nito ay nagulat na lang ang ilang mga nakakita kung bakit bigla na lang silang naghalikan.

 

Ayon sa aming little birdie, na nagkuwento ng item na ito, “Lasing man kami pero alam pa namin kung ano ang halikan at yakapan sa simpleng pag-alalay o pag-akbay. Nagulat talaga kami kasi doon lang sila nagkakilala.”

 

Ang clincher ng kuwento ay parehong may commitment ang dalawa. May pamilya na si award-winning actor habang si TV personality naman ay balita ring may asawa na.

 

Kung saan pa man nauwi ang mga sumunod na eksena, iyon ang hindi na idinetalye ng aming little birdie.

Special Service

Filed under: Uncategorized — admin at 10:08 pm on Friday, June 15, 2007

Text by Ambet Nabus

 

Matagal nang umiikot ang tsikang may berdaderong dugo ang isang celebrity na produkto ng isang reality-based search.

 

Kamakailan lamang ay muling umikot ang pagkukuwestiyon sa kanyang gender dahil sa pagkuha niya ng serbisyo ng isang guwapo at matipunong masahista. Ayon sa mga sources, ang massage clinic na kanyang pinagkuhanan ng “masseur” ay may espesyal na serbisyo sa mga kapatid sa pananampalataya, at sa mga nagpapaka-discreet o nagtatago ng kanilang tunay na identity dahil sa ilang rason.

 

Ang sinasabing special service ay pinag-uusapan within the confines of a private room. Sa kaso nga ni male celebrity ay sa isang madilim na hotel room niya ito ginawa.

 

Wala namang naging problema sa nasabing isyu dahil sinunod naman daw ni male celebrity ang usapan. Sa katunayan nga ay napabilang ito sa listahan ng mga “big tippers” ng nasabing massage clinic.

 

Pero ang nakakaintrigang item sa kuwentong ito ay ang kakaibang drama ni male celebrity during the massage session. Kung gaano raw ito kaingay sa mundong kanyang ginagalawan ay sobrang tahimik naman daw ito during the session.

 

Kung hindi nagkamali sa kanyang obserbasyon ang masseur, narinig pa raw niya itong umiiyak at nage-emote ng kung anong dasal na hindi niya maintindihan.

Selosong Papa

Filed under: Uncategorized — admin at 10:05 pm on Friday, June 15, 2007

Text by Alex Datu

Isang producer ng provincial shows ang dalang-dala na sa isang female singer dahil sa dalawang beses niya itong kinuha para sa show, pero hindi ito tumupad sa usapan.

 

Ang unang show ay ginanap sa isang sikat na hotel-resort sa bandang north. Puno ang venue dahil kilala ang singer. Maliban sa may sikat itong mga kanta ay madalas din itong napapanood sa TV dahil mayroon siyang ini-endorse na beauty product.

 

Ang usapan ay mag-i-stay muna ang female singer after her spot para makipagtsikahan sa mga nanood at mag-autograph-signing at picture-taking. Pero nagulat ang producer ng show dahil biglang nawala ang female singer just to find out na nakaalis na ito pabalik ng Manila.

 

Sinundo pala ang female singer ng mga tauhan ng kanyang “papa” na isang TV host. Sosyal ang female singer dahil sa helicopter pa siya nakasakay, huh!

 

Ayaw na sanang kunin ulit ng producer ang female singer. Kaya lang, siya ang hiling ng kausap nitong kandidato. Kaya naman kahit napilitan ang producer ay na-book nito ulit ang female singer at nagkasundo uli sila na kailangang makipagtsikahan muna ito sa mga tao doon, lalo na sa kandidatong humiling sa kanya. Sa madaling salita, pinalakpakan ang performance ng singer at halatang nakursunadahan ng kandidato na very eligible.

 

Nagpaalam ang singer na magpa-powder muna raw at magbibihis dahil pawisan siya. Pero namuti ang mga mata ng mga naghihintay sa kanya dahil hindi na siya bumalik. Kaya naman pala, ipinasundo siya ulit ng TV host.

 

Seloso raw talaga ang “papa” ng female singer, na ang balita ay malakas ang konek sa gobyerno. May balita ring kahit mga gigs ng female singer ay pinapahinto ng TV host dahil ayaw nitong may nagnanasa sa kanyang iba. Dumating pa nga sa puntong pinahihinto na nito sa pagkanta ang kanyang lady love dahil kaya raw naman daw buhayin ng TV host ang female singer like a princess. Kaya lang, wala itong magawa dahil ito ang passion ng female singer.

No more second time

Filed under: Uncategorized — admin at 6:19 pm on Friday, June 8, 2007

Text by Nitz Miralles

 

Hindi lang pala ang mga lalake ang kiss-and-tell. Kaya rin pala ng mga babae na itsimis ang sex partner nila, lalo na kung hindi nila type at kung may nakikita silang undesirable.

Take the case of this sexy starlet. Itsinismis niya ang kanyang one-night stand sexual encounter sa isang popular and controversial young actor. Hindi na raw mauulit ang nangyari sa kanila dahil nadiskubre niyang poor in personal hygiene ang young actor. As in, mabaho raw ito.

Dagdag pa ng sexy starlet na may anak sa hiniwalayang asawa, kahit pilitin pa siya ng young actor, hinding-hindi na raw siya papayag na maulit ang nangyaring sexual encounter nila.

Kung nagkataong malinis at mabango ang young actor, siguradong hindi mag-iingay ang sexy starlet at siya pa ang maghahabol sa young actor dahil sikat nga at lahat ng nali-link ay pinag-uusapan.

Flavor of the month

Filed under: Uncategorized — admin at 6:18 pm on Friday, June 8, 2007

Text by Pilar Mateo

Mahusay naman sana ang aktor na ito. Mukha ngang papable. Pero for some reason, hindi siya makaangat-angat at may nakadikit yatang kamalasan sa buhay niya.

Puwedeng bida. Puwede ring kontrabida. Para nga lang palitaw. Lulubog-lilitaw.

Kaya siguro puwedeng patulan ang nasabat naming tsika na diumano’y ang aktor na ito ang flavor of the month—unless magtagal sila—ng isang super-yamang benefactor. Na siya raw sinasandalan ngayon ng aktor, na nabuking din naming meron na palang asawa at anak.

Naloloka nga raw ang misis ni aktor dahil kung anu-anong mamahaling mga bagay ang iniuuwi nito sa bahay nila. Basta ang lagi lang daw sinasabi ni aktor ay galing siya sa isang liga (as if isa siyang basketball player, di ba?) at meron nga raw silang laro ng mga kapwa niya artista sa kung saan.

Iyon pala, galing sa mayamang benefactor ang kanyang take home sa kanyang loot bag.

Guwapo ang aktor. May promise sa acting.

Bading siyempre ang benefactor, na markadung-markado na sa string of boys and men na kanyang sinuportahan, lalo na sa mundo ng showbiz.

Hello world!

Filed under: Uncategorized — admin at 6:57 pm on Tuesday, June 5, 2007

Welcome to WordPress. This is your first post. Edit or delete it, then start blogging!