Peeping Toms

BLIND ITEM: Third party?

Filed under: Uncategorized — admin at 3:31 pm on Tuesday, April 29, 2014

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

 

Break na raw si model/blogger at photographer?

Ang rason, ayon sa peeping tom: third party.

Ang third party, ayon ulit sa peeping tom: isang host.

Sino ngayon si HOST?

BLIND ITEM: cause of breakup

Filed under: Uncategorized — admin at 10:05 pm on Friday, April 18, 2014

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

 

Naalala niyo, may celebrity couple dati na biglaang nag-break?

May mga nagulat, merong hindi, may naguluhan.

Pero ayon sa peeping tom, ang rason daw ay dahil nalaman ni aktres ang sikreto ni aktor.

Totoo nga kaya na nabuntis ni aktor ang “kasama sa bahay”?

At hanggang ngayon ay nasa poder pa rin daw ni aktor ang “kasama sa bahay” at umano’y anak nila?

Siyempre, hangga’t hindi ito kinukumpirma ni aktor o ng sinumang malapit sa aktor, mananatiling haka-haka ang ito.

Sino si aktor at si aktres?

Enjoy the break, PEPsters!

 

BLIND ITEM: Problematic dad

Filed under: Uncategorized — admin at 6:52 pm on Thursday, April 3, 2014

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

 

Bagamat marami nang pinagdaanan ang PERSONALITY na ito sa larangan ng pulitika, hindi siya nagpatumba.

Pero tila iindahin niya ang problemang personal dahil, ayon sa peeping tom:

Una, ang anak niyang panganay ay may kaso.

Pangalawa, hiwalay na raw ang anak niyang babae at madalas umano itong makita lately kasama ang isang pulitiko, na may konek sa PERSONALITY.

Pangatlo, nabuntis ng isang dating aktor ang kanyang anak na babae.

Pang-apat, nabuntis umano ng anak niyang lalaki ang napapabalitang girlfriend nito.

BLIND ITEM: In love siya?

Filed under: Uncategorized — admin at 12:32 am on Saturday, March 29, 2014

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

 

Napapansin niyo bang inspired si STAR?

Natutuwa si peeping tom nang ibalita niyang in love daw kasi ito. Ayon pa sa kanya, isa raw elitista ang beau ni STAR.

True kaya?

Whatever the answer is, she deserves a good man, and she deserves to be happy.

BLIND ITEM: Aktres at press, nagkagulatan!

Filed under: Uncategorized — admin at 8:08 pm on Wednesday, March 19, 2014

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

 

May balita kamakailan tungkol sa isang aktres, at naging usap-usapan ito ng ilang reporters.

Ayon sa peeping toms, “staged” pala sana yun.

Ang gustong mangyari umano ni aktres, pupunta siya sa isang lugar, masusundan siya ng reporters.

‘Tapos, magugulat at magagalit si aktres, at hahabulin siya ng reporters para ma-interview.

Kaso nagkaroon yata ng miscommunication kaya noong dumating ang reporters at nagalit ang aktres, imbes na habulin ito, iniwanan siya.

Pero buti na lang at ganun ang nangyari dahil hindi nagmukhang “staged,” di ba.

Sino si aktres?

Clue? Basahin na nga lang ang mga balita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last week.

BLIND ITEM: Look Who’s Getting Married?

Filed under: Uncategorized — admin at 6:47 pm on Friday, January 31, 2014

Kung tama ang ating peeping tom, ngayong araw (January 31) daw ang kasal ng showbiz couple na matagal na ring magkasintahan. As in 10 years na this year.

Nang tanungin namin an

Sino sila?

BLIND ITEM: Ex-wife drops by store of ex-hubby

Filed under: Uncategorized — admin at 10:25 pm on Wednesday, December 4, 2013

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

 

Noong nakaraang buwan, nagbukas si PERSONALITY ng kanyang business.

Ilang miyembro ng press ang inimbitahan at napaunlakan ng interbyu kasama ang girfriend ni PERSONALITY.

Kinaumagahan, namataan ang ex-wife ni PERSONALITY na namimili ng parol.

Ang siste, katabi ng tindahan ng parol ang puwesto ni PERSONALITY.

Sabi nga ni peeping tom, nakarating pa raw sa harapan ng puwesto si ex-wife, kung kaya, nakapagpa-picture ang staff ni PERSONALITY.

Sino ang napadaan?

BLIND ITEM: Bagyo, babae, badminton

Filed under: Uncategorized — admin at 6:38 pm on Friday, November 15, 2013

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

 

Noong nakaraang linggo, naging tambayan ni Pulitiko ang badminton court.

 

Ayon sa peeping tom, simula daw noong Martes, November 4, “every day” daw siya naglalaro kasama si GIRL

 

Ang siste, hindi ba may asawa siya na isa ring pulitiko?

 

Ang kaso, hindi ba’t kasagsagan ng bagyong Yolanda nitong weekend?

 

BLIND ITEM: Mental

Filed under: Uncategorized — admin at 1:48 am on Monday, October 28, 2013

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes

 

Look, look, si ACTRESS, kasama ang kids sa mental hospital!

Ayon kay peeping tom, pinatingin niya ang mga ito sa doktor para makakuha ng pruweba na nakararanas sila ng psychological stress.

Sino kaya si ACTRESS?

BLIND ITEM. Status: Married?

Filed under: Uncategorized — admin at 1:38 pm on Saturday, September 28, 2013

Text: Trish Alvarez

Siya ba ang ikinasal?

Isang feed ang nakarating sa PEP na nagsasabing ikinasal na si TV Personality sa Vancouver, Canada.

Ang sabi pa, today daw ang reception.

Hindi pa ito confirmed, ha. Just relaying what we heard—puwedeng true, puwede ring false.

Next Page »