• Celebrities put on their costumes for the annual Parade of Stars of MMFF 2011
    By: Nerisa Almo
    Sunday, December 25, 2011 22:11 PM
    Photo by: Nerisa Almo


    (From top left)Ang Panday 2, Enteng ng Ina Mo (second row) My Househusband: Ikaw Na! (third row) Yesterday Today Tomorrow, Shake Rattle & Roll 13, Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga
    Ratings
    * * * *  
    Bookmark and Share

    Makulimlim man ang panahon, matagumpay pa ring naidaos ang taunang Parada ng mga Bituin para sa mga kalahok na pelikula ng Metro Manila Film Festival kahapon, Disyembre 24.

     

    Bandang alas-dose ng tanghali nang magsimulang magsidatingan ang mga artista sa One Esplanade, Pasay City.

     

    Dito muna nag-tipun-tipon ang mga artista mula sa mga pelikulang  Ang Panday 2, Enteng ng Ina Mo, Manila Kingpin: Asiong Salonga, My House Husband, Segunda Mano, Shake, Rattle, and Roll 13, Yesterday, Today, and Tomorrow.

     

    Ilang sa kanila ay kinabibilangan nina Senator Bong Revilla, Jr., Iza Calzado, Marian Rivera, Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, Gov. E.R. Ejercito, Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos, Kris Aquino, Dingdong Dantes, Eugene Domingo, Maricel Soriano, Jericho Rosales, Lovi Poe, at Solenn Heusaff.

     

    Matapos ang mahigit isang oras, nagtungo na ang mga artista sa Seaside Boulevard kung saan nakahanay na ang mga float ng mga nabanggit na pelikula.

     

    Magagarbo ang mga disenyo ng bawat float na akmang-akma sa tema ng pelikulang nire-represent nito.

     

    Samantala bahagyang naantala naman ang pag-usad ng mga float patungong Roxas Boulevard dahil halos napuno na rin ng mga tao ang dalawang linya ng trapiko sa mga kalsadang dadaanan.

     

    Lahat sila ay sabik na masilayan ang kanilang mga paboritong artista.

     

    Ang iba naman ay nakikipagsiksikan at nakikipag-unahan para lamang makakuha ng mga poster, candy, T-shirt, pamaypay, sombrero, at iba pang mga bagay na inihahagis ng mga artista mula sa float.

     

    Pasado alas-singko na nang marating ng apat na naunang float—Shake, Rattle, and Roll, Enteng ng Ina Mo, Segunda Mano, at Yesterday, Today, and Tomorrow—ang Luneta Grandstand, kung saan libu-libong tao na ang naghihintay.

     

    Kinalaunan, hindi na rin nahintay ang tatlo pang floats—Ang Panday 2, My House Husband, Manila Kingpin: Asiong Salonga—para sa inihandang maikling programa sa Luneta, na live na napanood sa Studio 23.

     

    Ang mga ito ay hindi na nakapasok sa mimsong harap ng Luneta Grandstand dahil sa kapal ng taong pumunta rito.

     

    Umaasa ang mga artista na kung gaano kasigla ang mga taong tunghayan ang Parada ng mga Bituin ay ganoon din ang kanilang ganang tangkilikin ang mga pelikulang kalahok sa 37th Metro Manila Film Festival.



Related Articles
No related found.
Related Videos
No related found.

4 Comments Show/Hide
Comments
mujeres
April 16, 2013
3:58 pm

mujeres…

Celebrities put on their costumes for the annual Parade of Stars of MMFF 2011 | MMFF 2011…

Pedrohh
December 26, 2011
3:23 pm

segunda manu una kung manuorin ang ganda congrats segunda manu

Pedrohh
December 26, 2011
3:22 pm

segunda manu una kung manuorin ang ganda congrats segunda manu

milomilo123
December 26, 2011
5:51 am

number one sa takilya ang segunda mano

You must be logged in to post a comment.


All Rights Reserved. 2011 © PEP Philippine Entertainment Portal Inc.