• Alwyn Uytingco portrays a gay fellow who gets involved with Aiza Seguerra in “Enteng ng Ina Mo”
    By: William Reyes
    Thursday, December 22, 2011 14:12 PM
    Photo by:


    Alwyn Uytingco on his team-up with Aiza Seguerra: "Sana magustuhan nila... at matawa sila!"
    Ratings
    * *      
    Bookmark and Share

    Bilang aktor, walang problema si Alwyn Uytingco sa pag-portray ng gay role.

     

    Gaya ngayon sa  Metro Manila Film Festival entry na Enteng Ng Ina Mo, muling binuhay ang gay character ni Alwyn, nicknamed Pip [Tirso Montecillo], o ang  fifth child, mula sa isang dosenang anak ni Ai Ai delas Alas sa tatlong yumaong asawa [Edu Manzano, Tonton Gutierrez, and Jestoni Alarcon].

     

    “Sanay na rin po ako,” nakangiting sambit ni Alwyn nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

     

    “Bale pang-apat na [ang Enteng Ng Ina Mo], na gumanap akong bakla… sagad ako dun!” banggit pa ni Alwyn on his latest portrayal.

     

    “I also did once, in MMK [Maalaala Mo Kaya], kami nila IC [Mendoza] and Martin del Rosario.

     

    “Nakakatuwa nga po, kasi, ang nangyayari sa akin, madalas, I’m doing a gay role [today]… and the following day, I’m shooting. Iba naman, straight guy naman,” nangiti uli si Alwyn.

     

    “So, napakakulay ng linggo ko. Bakla, sundalo… gano’n! Masaya! Kaya nag-e-enjoy din ako.”

     

    LOVE INTEREST. Kung sa Tanging Ina Mo [Last Na 'To] ay na-introduce naman ang character ng love child ni Alwyn [sa isang naka-one night stand na babae], sa pamamagitan ng exciting child discovery, Xyriel Manabat, sa Enteng Ng Ina Mo ay mayroon din daw “surprise love interest” ang “baklitang” character.

     

    Pero, gusto raw nila [sa production] na ma-reveal sa manonood ang identity ng kanyang love interest, sa opening day, on December 25, or earlier, sa premiere night ng movie.

     

    Pero, napilit din ng PEP si Alwyn na i-reveal kung sino ang kanyang “love interest” sa Enteng Ng Ina Mo.

     

    “Mayroon po kaming story ni Aiza [Seguerra],” ayon kay Alwyn.

     

    “Para isang bakla at… isang tomboy!” natatawang sambit ng young actor.

     

    Excited si Alwyn sa magiging reaksiyon ng mga manonood; in particular, sa panibagong “kuwento ng pag-ibig” ng lovable gay character niya.

     

    “Sana magustuhan nila… at matawa sila!” hiling ni Alwyn.

     

    Sa kasalukuyan ay pahinga muna sa matinding trabaho sa TV at pelikula si Alwyn, matapos niyang gawin ang Sa Ngalan Ng Ina ng TV5.

     

    “Meron po akong Locomoco U, sa TV5 din, pero light lang po yun, kaya okay lang.

     

    “Halos sabay kong ginawa ‘yung Enteng… ‘tsaka tapings namin, sa Sa Ngalan… kaya pahinga naman.

     

    “Magpu-promote lang ng movie muna.”

     

    Pahinga rin ba siya sa kanyang lovelife?  O kumusta na sila ni Jennica Garcia?

     

    “Ah, kasama rin po ‘yun… sa nagpakakulay na mga araw at linggo ko!” masayang sambit pa ni Alwyn.



Related Articles
No related found.
Related Videos
No related found.

2 Comments Show/Hide
Comments
mujeres
April 16, 2013
5:06 pm

mujeres…

Alwyn Uytingco portrays a gay fellow who gets involved with Aiza Seguerra in “Enteng ng Ina Mo” | MMFF 2011…

patrick2010
December 22, 2011
6:24 pm

Since I saw him in \”Sa Ngalan ng Ina\”, I became a fan. Super galing sa akting. Go Alwyn go!

You must be logged in to post a comment.


All Rights Reserved. 2011 © PEP Philippine Entertainment Portal Inc.