• Eula Caballero on working with Maricel Soriano: “Ibang-iba pala siya ro’n sa mga sinasabi ng iba.”
    By: Rose Garcia
    Monday, December 19, 2011 16:29 PM
    Photo by: Noel Orsal


    Eula Caballero on how her "impression" of the Diamond Star changed: “Siya talaga, sobrang napaka-mommy. As in, super mommy talaga. 'Tapos noong presscon pa namin ng YTT, sabi niya, ‘ano ba, Mama na lang [ang itawag mo sa akin]. Ang formal naman ng Miss Maricel.’”
    Ratings
    * * * ½  
    Bookmark and Share

    Ang TV5’s Star Factor Brightest Star na si Eula Caballero ang maituturing na painakabagito among the cast of Yesterday Today Tomorrow [YTT], entry ng Regal Films sa darating na  Metro Manila Film Festival.

     

    ON WORKING WITH THE DIAMOND STAR. Pero, malaki nga ang pasasalamat ni Eula dahil mismong ang gumanap na ina niya sa movie na si Maricel Soriano ay sumuporta sa kanya at all-praises palagi sa kanya.

     

    Ayon kay Eula, ang sampalan scene nila ni Maricel sa movie ay maraming takes daw kinunan, pero inalalayan daw siya ng Diamond Star [Maricel].

     

    “Tinutulungan niya ako. Ayaw niya rin na masaktan ako nang sobra.

     

    “Kaya noong sa kanya, dinaya na lang niya. Slight na slight na lang.

     

    “Kaya sabi ko nga, ibang-iba pala siya ro’n sa mga sinasabi ng iba. Sobrang na-pressure pa ‘ko.”

     

    Ang ibig sabihin ni Eula, yung comments daw na nakakarating sa kanya na impression ng ibang tao about the Diamond Star.

     

    “May mga friends ako, may mga moms ng mga friends ko. Alam ninyo naman ang showbiz, kumakalat ang mga balita.

     

    “So, sabi nila, ‘may movie ka raw. Sino kasama mo?’  Sabi ko, ‘sina Miss Maricel.’

     

    “Sabi nila, ‘hala ka! Sige ka, mataray yun. Sobrang madilta.’

     

    “E, nakakahiya nga sa kanya. Kasi, noong shooting namin, siya pa ang nagku-comfort na, ‘O, Eula, anak, kumain ka na?’

     

    “Nakakahiya! I mean, ako pa dapat yung laging nag-a-approach, bumabati.

     

    “Pero siya talaga, sobrang napaka-mommy. As in, super mommy talaga.

     

    “‘Tapos noong presscon pa namin ng YTT, sabi niya, ‘ano ba, Mama na lang [ang itawag mo sa akin]. Ang formal naman ng Miss Maricel.’”

     

    Ang madalas daw na nakakaeksena ni Eula sa movie bukod kay Maricel ay sina Gabby Concepcion at Carla Abellana.

     

    Hindi naman itinanggi ni Eula na sobrang na-intimidate daw siyang talaga nang malaman na gaganap siyang anak ni Maricel.

     

    Nagkataon pa raw na sa first shooting day nila, yun din daw ang kauna-unahang pagkakataon na nakaharap niya ang Diamond Star.

     

    “Na-intimidate talaga ako. Kasi alam ko na napakagaling niya.

     

    “Nag-search pa ako sa YouTube ng Yesterday, Today & Tomorrow[naunang pelikula ng Regal na halos kapareho ng pamagat].

     

    “Akala ko kasi, parehas na parehas, hindi naman pala. Nakita ko, nandoon din siya. Kaya sabi ko, sino ako rito?

     

    “Baka yung dating siya. Pero, hindi naman pala. Totally different naman pala [ang kuwento].

     

    “Kaya noong nag-eksena na kami, ‘naku, paano ba ‘to?  Paano ako magma-mommy, mommy sa kanya? Parang ang akward, dapat sweet-sweet-an.’

     

    “E, okay rin si Direk Jun Lana kasi, gusto rin niya na ang relationship ng artista ro’n, mero’n ding bond kahit off-cam.”

     

    Natatawa na lang din na kinukuwento ngayon ni Eula na sa first throwing of lines daw nila, nagkanda-buckle, buckle siya.

     

    “Hindi ko ma-explain. Lahat ng linya ko, hindi ko ma-deliver nang maayos.

     

    “So, sabi ko, sorry po. Sobrang sorry po talaga. Hindi ko pa alam kasi noong una, sobrang parang straight face lang siya.

     

    “So, hindi ko alam kung galit ba siya. Sabi ko, ‘shucks! Paano ba ‘to, nakakanerbiyos talaga na nakakataranta, na nakakahiya talaga.’

     

    “So, sa isa pang throwing of lines, nag-sorry talaga ako. Sabi ko, ‘Miss Maricel, sorry po talaga, kinakabahan lang po talaga ako.’

     

    “’Tapos sabi niya, ‘huwag kang kabahan, Anak.  Baka lagi ka nang magba-buckle niyan hanggang sa take.’

     

    “So, nag-usap muna kami at sinabi niya na basta sa take, dapat alam ko na ang linya ko.”

     

    BECAUSE OF MARICEL SORIANO’S HELP. Nag-thank you raw siya nang todo kay Maricel noong marinig niya sa pictorial pa lamang ang mga papuring binitawan ng Diamond Star para sa kanya.

     

    “Sobrang grateful po ako at sabi ko nga, hindi naman po ako magiging ganoon kung hindi dahil sa kanya.

     

    “Pero sabi niya, ‘ay, hindi anak, magaling ka.’ Palagi siyang ganyan at sobrang ang sweet-sweet.

     

    “Ini-encourage ka niyang talaga. Parang she won’t let you feel bad about yourself.

     

    “At sinasabi nga niyang, ‘dapat confident ka sa sarili mo at alam mo na kaya mong gawin.’”

     

    THE SUPERSTAR… Kung tutuusin, hindi si Maricel ang unang big star na nakatrabaho ni Eula.

     

    Nauna na niyang nakatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor sa mini-serye na Sa Ngalan ng Ina.

     

    “Actually, naisip ko nga po na nakatrabaho ko na rin ang Superstar.

     

    “Pero, yung una nga, yung first shooting [day] namin [ni Miss Maricel], hindi naman sa niloloko, pero, yung paulit-ulit na lang na sinasabi ko sa sarili ko, ‘wag kang ma-tense. ‘Wag kang ma-tense.

     

    “’Kasi, nakaya mo nga si Ms. Nora Aunor.’ Na-overcome ko nga yung tense ko roon, so, ma-o-overcome ko rin.

     

    “Pero, magkaiba po sila. Magkaiba rin ang personality nila.”



Related Articles
No related found.
Related Videos
No related found.

3 Comments Show/Hide
Comments
mujeres
April 16, 2013
4:34 pm

mujeres…

Eula Caballero on working with Maricel Soriano: “Ibang-iba pala siya ro’n sa mga sinasabi ng iba.” | MMFF 2011…

maconcepcion
December 31, 2011
1:03 pm

You\’ve done a very good job sa YTT :D

agusanonko
December 20, 2011
12:00 am

akala mo lang yon..alangan naman na mgpakita cya ng totoong kulay nya sa set..syempre darling sa loob lang ng pammahay nila yon, yong pag mga chime ah ah lang ang mkkasama nya..ikaw naman sabagay bata kapa titigin molang cya sa mukha at mata..malalaman mo na..

You must be logged in to post a comment.


All Rights Reserved. 2011 © PEP Philippine Entertainment Portal Inc.