• Vic Sotto and Ai-Ai Delas Alas answer questions about “Enteng Ng Ina Mo”’s possible box office earnings
    By: Demai Sunio Granali
    Monday, December 19, 2011 12:55 PM
    Photo by: Noel Orsal


    Bagamat may mga nagsasabing baka mas maliit ang kitain nila kumpara noong 2010, bale-wala kina Vic Sotto (left) at Ai-Ai Delas Alas (right) kung ano ang magiging box office results ng Metro Manila Film Festival ngayon taon. Ayon kay Vic, ang mahalaga ay mapanood ng tao ang lahat ng pelikulang kalahok upang makatulong sa industriya ng pelikulang Pilipino.
    Ratings
    * * * ½  
    Bookmark and Share

    Dalawang higante sa pelikula kung maituturing sina Vic Sotto at Ai-Ai Delas Alas.

     

    Halos taun-taon kasi ay naggigitgitan sa takilya ang mga pelikula nila sa Metro Manila Film Festival bilang top-grosser sa takilya.

     

    Si Ai-Ai para sa Ang Tanging Ina series at si Vic naman sa Enteng Kabisote.

     

    Parating kabilang sa top three ang kanilang mga pelikula kung pagbabasehan ang kinita sa takilya.

     

    Kaya naman hindi maiwasan ang posibilidad na maging isyu ang pera ngayong magkasama sila sa iisang pelikula—ang Enteng Ng Ina Mo.

     

    Sa press conference na naganap noong December 8 sa Dolphy Theater sa ABS-CBN Compound, inusisa ng mga press kung paano ang magiging hatian nila sa kita.

     

    Marami kasing production outfits ang involved sa pagbuo ng pelikula—Star Cinema, MZet Productions, APT Entertainment, at OctoArts Films.

     

    Ayon kay Vic, 50-50 daw ang magiging hatian sa pagitan ng Star Cinema at ng kanyang grupo.

     

    “Basta fifty percent yung sa Star Cinema. Bahala na sila kung sino’ng [hahatian] nila.

     

    “Iyong 50% namin, ng grupo ko, e, bahala na rin kami doon,” maiksing paliwanag ng aktor.

     

    BEST PLAYDATE? Hiningi naman ng batikang showbiz personality na si German “Kuya Germs” Moreno ang opinyon nina Vic at Ai-Ai kung sa tingin nila ay may mas maganda pang playdate para sa pelikula bukod sa MMFF.

     

    “Depende po kasi, e, sa pelikula,” sagot ni Ai-Ai.

     

    “Ito po kasi pang-family talaga so magandang pang-Pasko.”

     

    Bukod pa doon ay parang naging panata na rin nila ni Vic ang magpalabas ng pelikulang pang-pamilya tuwing Pasko.

     

    “Tingin ko maganda rin yung pang-film fest kasi napapanood ng mga bata, Pasko, masaya, ganyan…pang-pamilya.

     

    “So ako, okay lang din yung pang-film fest yung mga pelikula ko. Siguro [puwedeng] pang-Mothers’ Day din.”

     

    Sinegundahan naman ni Vic ang pahayag na ito ni Ai-Ai.

     

    “Iba yung playdate talaga ng December 25. Pati yung mga bata may pera pang-panood.

     

    “Kaya kadalasan nga pambata yung ino-offer [na tema] ni Enteng Kabisote.

     

    “Pero this time hindi lang pambata. May mga pang-magsing-irog, pang nanay at tatay, lolo at lola. Kumpleto, e.”

     

    Tinanong din ni Kuya Germs kung sa tingin nila ay mababago ang bilang ng kikitain nila sa takilya ngayong magkasama sila sa iisang pelikula.

     

    Sa pakiwari kasi ng Master Showman host ay mas maliit ang kikitain nila kumapara sa suma total ng kinita ng Tanging Ina Mo (Last Na ‘To) at ng Si Agimat At Si Enteng Kabisote noong 2010.

     

    “Pareho lang, Kuya Germs kasi last year nanalo sila ng box office, e,” sagot ni Ai-Ai.

     

    Tinutukoy dito ng aktres ang pagsasanib puwersa nina Vic at Sen. Bong Revilla noong nakaraang taon.

     

    Umani kasi ang Si Agimat At Si Enteng Kabisote ng humigit kumulang 159 million pesos sa loob ng festival na siyang tinaguriang top grosser.

     

    Sinundan naman ito ng pelikula ni Ai-Ai na kumita ng 157 million.

     

    Inisip din ni Kuya Germs na baka makaapekto sa resulta ng box office king and queen awards ang posibilidad nga na mas maliit ang kikitain ng dalawa.

     

    Sila rin kasi ang nagwaging box office king and queen last year, kasama si Sen. Bong na ka-tie ni Vic sa puwesto.

     

    “Ang kagandahan naman ng Disyembre, Metro Manila Film Festival ay iyong kabuuan, e,” sagot ni Vic patungkol sa kahalagahan ng pagpapalabas ng mga pelikulang Pilipino tuwing kapaskuhan.

     

    Aniya, hindi mahalaga kung kaninong pelikula ang magiging top grosser, o kung sino ang mahihirang na box-office king and queen sa huli.

     

    “Hindi naman yung pelikula namin ni Ai, o pelikula ni Bong, o pelikula ni Kris [Aquino].

     

    “It’s all about the teamwork nung industriya.

     

    “This is a fund-raising activity para sa Mowelfund, para sa mga ibang pinagkakaabalahan ng pelikulang Pilipino.”



Related Articles
No related found.
Related Videos
No related found.

9 Comments Show/Hide
Comments
jordan 3 infrared 23
February 26, 2014
11:34 am

jordan 3 infrared 23…

is actually a French designer specialized in creation of high quality and super stylish eye glasses…

mujeres
April 16, 2013
6:29 pm

mujeres…

Vic Sotto and Ai-Ai Delas Alas answer questions about “Enteng Ng Ina Mo”’s possible box office earnings | MMFF 2011…

butching
December 19, 2011
9:52 pm

exclusibo, i feel your sentiment, and at one point, i shared the same opinion. but then in retrospect, life is full of choices. fact is, the people who spend money on these films honestly enjoy what they see and no one can tell them otherwise. when i was still in the philippines, at christmas time, i would often see the excitement in people\’s faces before and after they would see films such as enteng kabisote. i may not share their interests, but hey – i choose to leave them be. i am aware, though, that i never asked my family to go see enteng kabisote at christmas time or at any other time. my choice. my family\’s choice. but that\’s just us.

exclusibo
December 19, 2011
9:03 pm

The reason why these movies become blockbusters during Christmas is the lack of choice. Families want to see a movie together and given little choice will probably choose this movie. The story is predictable, the lines so cliche, the cast so familiar, so you know what you are getting into. Dito lang puwedeng sabihin ni Vict Sotto na \”hello pans\” dahil wala naman choice ang mga manonood. But give viewers a choice at walang dating si Vic Sotto. The reason why the movie industry has fallen on hard times is because of Enteng which is shown every year to people who are not given a choice.

butching
December 19, 2011
7:15 pm

i have never quite understood why these comedy movies become blockbuster movies. but the fact is, they do. the producers know what they\’re doing, and they obviously cater to the interest of the bigger chunk of filipino population. and if it is effective in entertaining millions of people at Christmas time, who are we to downplay the kind of movies being made/produced?

rmel_peptalk
December 19, 2011
4:22 pm

This movie festival is more on business na hindi na quality ang basehan…. puro sila na lng…Bong – Enteng/Panday, Ai-ai- Taning Ina at Vic – Enteng….nakakasawa na….. ginagawang cashing cow ng mga movie producers ang festival…nakakabobo…

ciprobay
December 19, 2011
3:41 pm

tingin ko top grosser 2 higante ang nagsama sana mahigitan yung agimat at si enteng at tanging ina part 1,2,3 sa pagsasanib pwersa nilang dalawa

galaxyuniv
December 19, 2011
2:43 pm

correct gaya ng Ang Panday2

exclusibo
December 19, 2011
1:39 pm

Wala na bang puwedeng gawin movie si Vic Sotto kundi Enteng na lang. The MMFF should ban the showing of sequels in successive years. Ng gumana naman ang utak ng mga producers in finding original stories to show in the MMFF.

You must be logged in to post a comment.


All Rights Reserved. 2011 © PEP Philippine Entertainment Portal Inc.